Chapter 36

1.4K 94 12
                                    


#unedited

~~~ SAN SEBASTIAN ~~~

Inday's POV

Nagtitiklop ako ng mga damit ko habang nasa labas naman si Nanang, nagluluto ng hapunan namin.

Kaninang madaling araw pa ako naka-uwi. Natagalan ang biyahe dahil sa traffic na rin at layo.

[F L A S H B A C K]

"Nanang? Nanang?" katok ko sa kubo namin. Naka-ilang katok nako pero wala parin nagbubukas. "Nanang?" tawag ko ulit.

maya-maya lang ay bumukas ang ilaw namin sa kubo at may nagbukas ng pinto. Walang iba kundi si nanang.

"I-inday?" gulat niyang tanong.

Naiiyak naman akong lumapit sa kanya "Nanang!" at niyakap siya ng napaka-higpit.

"inday?.. Inday! *niyakap niya rin ako* Ikaw nga.. Jusko. Anong ginagawa mo dito anak?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.

"ahh ehh. S-sembreak na po namin.. k-kaya naisipan ko pong umuwi muna.." pagsi-sinungaling ko dahil siguradong mag-aalala lang si nanang kapag sinabi ko ang totoo.

"Ganon ba? Mabuti naman.. Oh siya, pumasok ka muna sa kubo natin at dito tayo sa loob mag-usap."

Ngumiti ako kay nanang at pumasok sa loob, tinulungan niya naman akong dalhin papasok ang mga gamit ko.

Pagkalapag namin ng gamit ko ay hinawakan ako ni nanang sa pisngi. Namiss ko ang haplos nato..

"Miss na miss kita anak.."

Anak.. Ang sarap pakinggan. Sayang nga lang at hindi ako ang tunay na anak ni nanang..

"Miss na miss din kita nanang.. Kamusta po kayo? Iniinom niyo po ba sa tamang oras ang mga gamot niyo?"

Binitawan niya ko't ngumiti. "Ayos lang ako, iniinom ko lahat ng gamot ko. Saka Sabi ko naman sayo diba? kaya ko ang sarili ko*smile* ikaw kamusta ka ruon?"

"mabuti naman po.. Ah! Nga pala nang. Binilhan kita ng duster!" tuwang-tuwa kong kwento at lumapit sa isa sa mga plastic na dala ko, may nadaanan kasi akong pamilihan ng mga damit kaya naisip kong mamili ng pasalubong gamit ang ipon ko.

Hinawakan ako sa balikat ni nanang kaya napatigil ako sa paghahanap nung duster at napaharap sa kanya.
"Mamaya na lang yan.. Alam kong pagod ka.. Magpahinga ka muna."

"kaya ko pa naman po."

"Hindi. Matulog ka muna. Pagkatapos... Saka tayo mag-usap." ang sabi ni nanang. Sa titig palang niya alam ko na ang tinutukoy niya.

Hays.. Nakalimutan ko.. Hindi nga pala ako makakapag-sinungaling kay nanang..

"Sige po nang.."

[ E N D OF F L A S H B A C K]

Napahapa ang tulog ko kaya naman hapon nako nagising. Hindi na ko ginising ni nanang dahil daw mukhang pagod na pagod ako.

"inday anak! Kakain na.." dinig kong tawag ni inang.

"Nandyan na po!" tumigil muna ako sa pagtitiklop at tumayo. Lumabas ako ng kubo at pumunta sa hapagkainan namin pero nagulat ako sa dinatnan ko..

"SURPRISE!" sigaw ng mga kaibigan kong sina helen, cintia at perry na kasama ni nanang sa hapagkainan na nakangiti.

"wahhhh! Guuuuyyyyys" tumakbo ako palapit sa kanila at ganon din naman sila at nagyakapan kami.

"Namiss ka namin indaaayy" sila.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon