I'm so sorry :'(

675 14 5
                                    

(AN: Dahil ikaw ang First Voted ng story nato sayo ko i-dedicate to. Thankyou ulit :*

-HKGIRL00)

Isang beses umuwi yung anak kong umiiyak. Hinawakan daw kasi siya nung matandang pulubi na nasa tapat. Natakot ako bilang isang ama dahil baka may gusto siyang gawing masama sa anak ko. Sinugod ko siya at pinagpapalo gamit ang isang kahoy. Umiyak yung matanda at umalis.

Hindi ko alam kung bakit palagi siyang nasa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang nakawin o gawing masama sa pamilya ko kaya ganon nalang ang galit ko sa kanya kapag nakikita ko siya.

Kinabukasan bago ako pumasok sa trabaho nakita ko nanaman ang matandang pulubi. Pinag mumura ko siya para umalis. Binantaan na papatayin ko siya kapag nakita ko pa siyang naka tambay sa tapat ng bahay namin.

Kinabukasan wala na siya. Wala na yung matandang gusgusin. Wala na yung mabahong matanda.

Ikalawang araw wala parin siya.

Ikatlo wala. At hindi ko na muli siya nakita.

"Hay buti naman" ang nasabi ko pero sa loob loob ko nag tatanong ako sa sarili ko kung nasaan na kaya siya. San na kaya siya tumatambay ngayon. Napa kibit balikat nalang ako.

Linggo day off ko. Nag linis linis ako sa paligid ng bahay namin. Nang mapunta ako sa lugar kung saan palagi kong nadadatnang natutulog yung matandang lalake na kinagagalitan ko.

May nakita akong isang lumang litrato na naka taob. Naisip ko "Nag iwan pa ng kalat yung matandang yun!" Pag angat ko ng litrato nagulat ako sa nakita ko. Isang litrato kung saan nandoon ang nanay na yumao na, ako noong dalawang taong gulang palang ako na buhat buhat nung matandang lalaki na wala sa katinuan na palaging nagbabantay sa tapat ng bahay namin.

Nabitawan ko ang hawak kong walis at dustpan. Napatakbo ako sa bahay at tinignan ang lumang album ng mga litrato namin ni nanay noong bata pa ako. Pinag dikit ko ang litrato sa album at litratong napulot ko.

At ang matandang lalaki palang yun ay ang tatay ko.

Ikinwento sa akin ni nanay noong bata pa ako na iniwanan kami ng tatay ko. Sumama sa ibang babae.

At nung araw na mapulot ko ang litrato tinawagan ko ang tiyuhin ko na kapatid ng nanay..

Hindi pala totoong iniwan kami ng tatay. Nawala ang tatay dahil dinala siya sa isang mental hospital. Nawala siya sa sarili dahilan ng pagkaka homesick noong nag tatrabaho siya sa Saudi.

Napa luha ako sa mga narinig ko.

Hindi ako nag dalawang isip tumakbo sa labas at hanapin ang matanda pero hindi ko na siya makita. Tumakbo ako sa brgy para ipahanap si tatay pero huli na pala ang lahat. 😭

(naiiyak ako habang tinatype to ang sakit sakit alalahanin)

Noong araw na tinaboy ko siya at pinag bantaang papatayin hindi na siya bumalik muli sa bahay. Umuulan daw ng gabing iyon at tumawid ang tatay sa kalye naghahanap siguro ng lugar na masisilungan. Nang aksidenteng masagasaan siya ng isang truck at sila narin ang nag palibing dito.

Hindi ko napigilang hindi umiyak sa harapan ng mga brgy tanod. Halo halong emosyon ang naramdaman ko ngunit ang pag sisisi ang pinaka nangibabaw. Ang tagal tagal kong pinangarap na makita siya. Kahit kailan hindi ako nagalit sa tatay ko dahil iniwan niya kami. Bata palang ako ang pangarap ko lang ay makilala sya.

Nangyari naman na magkakilala kami. Nangyari naman sa huli mga araw ng buhay niya. 😭 Kaya siguro siya palaging nandoon dahil yun lang ang bahay na natatandaan niya kung saan siya nakatira noon.

Ilang linggo ang lumipas tinanong ko ang anak ko kung anong ginawa sa kanya nung matanda at umiyak siya ang sabi niya pilit daw siyang binibigyan ng pera pero hindi niya tinanggap dahil natakot siya. Pero hindi siya sinaktan gaya ng inakala ko.

Sobrang sakit. Nakakasama ng loob. Sobrang sama ng loob ko sa sarili ko kung bakit ko nagawa yun. Na kahit wala siya sa katinuan pinilit nyang mapalapit sa pamilya niya. Na kahit wala siya sa katinuan nakuha niya pang bigyan ng pera ang anak ko.

Ang sakit sakin bilang tatay na ganon ang gawin sakin ng sarili kong anak.

Lubos akong nananalangin na sana'y napatawad na ako ng tatay sa kabilang buhay. 😭 Salamat at patawad.

Anak
2004
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon