"Bakit may mga estudyanteng may oras mag-makeup, magpa-salon, o mag-gym ngunit walang oras para magaral? Mula na nga sa leksyon sa klase ang lahat ng tanong sa pagsusulit ngunit bagsak pa rin. At kapag bumagsak, magmamakaawang ipasa. Nahihiya daw na ipakita sa magulang ang bagsak na grado. Naisip nyo yan nung hindi kayo nagaaral?
Sa magsasabing wag akong manghusga dahil baka nagaaral naman sila, sigurado akong hindi sila nagaaral dahil ang pagsusulit na ginagawa ko ay hindi para sa ""geniuses"" lamang. Magbasa ka lang ng kaunti at sagutan ang ilang katanungang ibinigay sa klase, kahit hindi mo pa gaanong naiintindihan ang leksyon o bahagyang mahina ang iyong pangintindi, papasa ka. Tunay na katamaran na lamang ang naiisip kong kadahilanan sa hindi pagpasa.
Nawa'y iwasan natin ang kultura ng katamaran. Tayo ay nasa kolehiyo hindi lamang upang makakuha ng diploma kundi para rin matuto. Humawak din tayo ng libro ""pag may time"". Wag puro makeup at paggi-gym ang atupagin. Wala akong hinanakit sa mga ""pabebe"", mapalalaki man o babae. Nagkakaron lang ako ng bayolenteng reaksyon kapag puro ganito na lang ang inaatupag ngunit walang oras sa pagaaral. "
Pabebe Prof
2014
IABF
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
LosoweIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3