</3

600 2 0
                                    

Non verbatim (Shortcut)

Yung pauwi na ako galing FEU tapos pag labas ko ng gate may babae na may dalang bata ang lumapit sakin at sinabing..

"Pwede ba tayong mag usap?"

Hindi naman sila kahina-hinala dahil yung babae maganda, yung anak ang cute atsaka mukang laki sila sa yaman kumpara saken. Kaya pumayag ako. Sa isang tea shop sa tapat ng gate nag usap kami.

Ako: Ano pong kailangan nyo sakin?
Siya: I am Nina and this is my son, drew.

Nag hello pa ako sa baby at kinurot ko sa pisngi kasi ang cute cute. Tapos yung mommy niyang si Nina naka ngiti lang.

Ako: Bakit nyo po ako gustong makausap?

Sumeryoso na siya.

Nina: Uhm siguro hindi niya pa sinasabi sayo.

Ako: Ang alin? At sino po ang tinutukoy nyo?

Nina: Si Joshua.

Ako: Ha? Ano pong meron kay joshua?

Si Joshua ang boyfriend ko for almost 1 year and half na.

Nina: Wag kang magagalit ha at sorry nadin. Ako ang asawa ni Joshua at itong si Drew ang anak namin. Hindi naman talaga ako ganito pero kakainin ko na yung pride ko.

(Umiiyak na siya)

Napapunta ako dito para sabihing sana layuan mo na si Joshua. Masaya kami noon nung hindi ka pa niya nakikilala. Sobrang responsable niyang asawa at tatay sa anak namin. Pero unti unting nagbabago ang ugali nya pag dating samin. Pag uuwi siya matutulog nalang. Kahit silipin ang anak namin di niya magawa. Pinilit niyang itago ang relasyon nyo pero bago kayo mag anniv nalaman ko na nag chi-cheat nga sakin ang asawa ko. Alam mo yung ginagawa mo lahat para maging mabuting asawa pero di parin talaga sapat? Edukado akong tao at maganda ang pagpapalaki sakin ng mga magulang ko kaya pinili kong kausapin ka ng mahinahon kahit punung puno ng galit ang puso ko ngayon.

Sana hiwalayan mo na si Joshua. Parang awa mo na. 😭

Sabay pakita niya ng pictures nila ng kasal at nang ipinanganak ang baby nila kasama ang boyfriend na ex boyfriend ko ng si Joshua.

Natulala ako sa mga narinig ko at sobra sobra ang awa ko sa babaeng nasa harapan ko. Wala akong alam at wala akong ginawang masama pero sobra sobra ang guilt na naramdaman ko ng mga oras na yun. Napa iyak din ako hindi dahil niloko ako ng gagong si Joshua kundi dahil naaawa ako kay Nina at sa anak niya na nasasaktan ko na pala ng hindi ko alam. Niyakap ko si Nina at si Baby drew at nangakong hindi na ko ulit magiging pampagulo sa pamilya nila.

"Wag mong sabihin kay Joshua kasi sasaktan ako nun pag nalamang kinausap kita. Salamat."

Salita niya bago sila umalis.

Punong puno ng galit ang puso ko nun at gusto kong patayin ung lalaking nanakit sa amin. Ang kapal kapal ng mukha at sobrang kapal talaga ng mukha! Hindi marunong makuntento! Ang sarap niyang saksakin nung nakipag hiwalay ako sa kanya at dinahilan ko na ayaw sa kanya ng parents ko. Gusto ko talaga siyang barilin sa ulo kung pwede lang. Gigil na gigil ako sa kanya habang kinakausap ko siya. Hindi na naawa sa asawa niya at lalong hindi na naawa sa anak niya.

Wala na akong pakealam sa kung ano mang naging meron kami. Deserve nyang maging mag isa at sana ma karma siya. 👊🌵

Lianne
2010
Alumna
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon