Pampagising

402 4 0
                                    

"DISCLAIMER: Sorry kung baluktot ang Tagalog ko at madalas English ang tinatype ko. Chavakano po kasi ako so I'm not fluent in Tagalog and hindi po ako conyo. hehe

Anyways, 2nd year Psych major po ako at prof ko si Sir Barcarse sa BioPsych. He is a smart and funny teacher. Pag naglelecture siya, parang nasa comedy bar lang. Panay tawa at kwentuhan (syempre may natutunan din kame) lalo na pag may pogi kayong classmates na ikakatuwa niya chos!

One time, umabsent ang mga pogi so naglecture kame na wala nang chikahan at tawanan. Binasa niya lang ang discussion na nasa powerpoint. In short, nakakaantok at di ko na kinaya natulog talaga ako kahit nasa harap ako nakaupo. Good student talaga ako.

During the discussion, napasilip si sir sa labas ng pinto kasi napansin niyang may sumisilip sa pinto sabay sabing ""May lalaki sa pinto."" Biglang nabuhay ang dugo ko nung narinig ko ang word na ""lalaki"". Malandi talaga ako. Pagbukas ng pinto may pumasok ang crush ko na 3rd year Psych major din. Gising na gising nako at kumpleto na ang araw ko. Mas malakas pa ang tama kesa sa kape o red bull. Baka natunaw na si kuya sa kakatitig ko. Pogi talaga ayoko na...

During the survey, namigay pa sila ng snacks kay sir at sa mga classmates ko. Pogi na, sweet pa! Pagkatapos ng survey, edi naglabasan na sila bye2x na ang peg. Biglang sinabi ni sir saken,

""Ikaw talaga Mr. ..., antok2x ka sa klase ko pero pag lalaki ang pinag.uusapan, buhay na buhay ka. Dyan ka talaga magaling noh??? Class, kung magboboyfriend kayo, yung Engineering, wag Psych major baka mag.aaway pa kayo dahil diverse ang mga ideas niyo. Pag Engineering naman, kayo yung mag.aalaga sa kanila at masarap magmahal ang psych. Ganun!""

Nakayuko na lang ang ulo sa sobrang hiya. Syempre, no boyfriend since birth pa ako so hanggang crush lang talaga ako kasi walang nagkakagusto sakin na lalaki :((((

PS KUYANG 3RD YEAR NA NAGCOCONDUCT NG SURVEY SAMEN, SANA MABASA MO ITO. ANG SWEET MO TALAGA AT ANG POGI MO. SANA DI KA MAGBAGO AT PWEDENG AKIN KA NA LANG? JOKE! CAN WE BE FRIENDS NA LANG? HAHAHA"

NBSB
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon