Nagising ako ng 2 ng madaling araw kasi naiihi ako nang mapalingon ako sa tabi ko at nakita ko yung wife ko na natutulog ng walang kumot. Naka talikod siya nun. Parang giniginaw dahil nanginginig siya. Basa pa ang buhok niya at inisip ko nalang na baka kakatapos lang maligo. So ang ginawa ko, kinumutan ko siya at hinalikan pa sa pisngi. Saka ako bumaba ng kama para umihi. Habang umiihi bigla kong naisip yung mga nangyare bago ako natulog nung hapon na yun. 4 kasi ng hapon ako start natulog. Then naalala ko yung sinabi ng wife ko na ako na ang bahala sa bahay kasi aattend siya ng team building nila sa office. Naka impake pa siya at humalik pag alis niya. Ako pa nga ang nag lock ng pinto.
Biglang umatras yung ihi ko. Napag dugtong dugtong yung mga tanong sa isip ko.. Nilock ko yung pinto at walang susi ang wife ko ng pinto. Nawala niya kasi somewhere sa loob ng bahay namin so in short hindi nya mabubuksan kung uuwi man siya. Pangalawa, may team building siya ngayon supposedly afternoon pa ang uwi niya. At pangatlo, sino yung katabi ko na kinumutan at hinalikan ko pa.
Dahan dahan akong lumakad sa kwarto. Dahan dahan ko ding binubuksan ang pinto. Pag tingin ko wala na dun. Kumot nalang ang naiwan. Wala na yung katabi ko kani-kanina lang. So inisip ko na guni guni ko lang yun kahit na buhok ng asawa ko at damit nya bago siya umalis ang nakita ko. Pinilit kong maniwala na wala lang yun. Then kinuha ko yung phone ko sa tabi ng bed. 68+ messages, 42 missed calls from my wife's officemates and saying that my wife is dead. Nalunod. Pinapapunta ako sa place kung nasan sila. Late ko ng nabasa. Takbo agad ako paalis ng bahay. Nakalimutan ko pang i-lock ang pinto ng bahay namin sa sobrang taranta. Habang nag mamaneho ako tinatawagan ko isa isa ang mga officemates niya. Sa dami ng tinawagan ko may isang sumagot. Umiiyak. Pinapunta na ako sa morgue kung saan nakita kong naka himlay ang asawa ko.
Parang gumuho ang mundo ko ng makita ko yung asawa kong wala ng buhay. Sana ako nalang ang nalunod at hindi siya. Awang awa ako sa nangyari sa kanya. Sobrang nag histerikal narin ako noon at inaway lahat ng officemates nyang nandoon. Nadala ako ng emosyon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na akong asawa. Yung mga araw na uuwi ako sa bahay noon nawawala na ang pagod ko kapag nakikita ko sya. Ngayon pati trabaho ko naaapektuhan na sa lungkot ko.
Pero kung iisipin ko yung oras na gabing nagising ako at nakita ko siya sa tabi ko, pakiramdam ko dinalaw niya muna ako bago siya tuluyang iwan ako. Alam kong ayaw niya pang mawala siya dahil marami pa kaming pangarap isa na dun ang magkaroon ng anak. Kaso lahat ng pangarap na yun hanggang pangarap nalang.
Masakit parin sakin ang pangyayare at masakit alalahanin habang kinukwento ko dito. Respeto lang po ang hinihingi ko. Sana wala naman akong mabasang bastos na comment. Humihingi po ako ng respeto sa pagka wala ng asawa ko. Yun lang. Salamat.
Alumnus
2003
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
AcakIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3