How we met. FAIL

434 2 0
                                    

2012 NSTP nun. Sa whitecross orphanage. Lahat ng iba't ibang courses nandun.

Habang kumakain kami ng mga tropa ko, napalingon ako sa likod dahil hinahanap ko yung proctor namin. Bigla nalang may alikabok na pumasok sa isang mata ko. Napa pikit pikit ako.

Sa likod ko siya nakaupo. Bigla siyang tumayo.

Kinotongan ako sa ulo sabay sabing, Bastos ka ah? Kinikinditan mo pa ko!

Ako: Ha? Di naman ah! Napuwing lang ako!

Siya: Tatanggi ka pa! Wag kang bastos ah!

Di na 'ko umimik nun para di na lumaki ang away. Pinag titinginan narin kasi kami. Sobrang sakit ng ulo ko sa kotong niya. Di nalang ako lumingon ulit sa likod. Baka ma-part twohan pa.

Three months later..

Concierto Piyu nun. Nasa kasagsagan ng rave. Habang nagtatalunan ang lahat hindi ko sinasadyang may masiko. Nasiko ko yung babae sa gilid ko. Nasiko ko sa sus*. Bigla nalang parang may sumuntok sa ulo ko.

Pag tingin ko, siya nanaman!

"" IKAW NANAMAN?!! ""

Tanong namin sa isa't isa.

Siya: Yung sus* ko nasiko mo! Bastos ka talaga!

Ako: Sorry di ko sinasadya! Di mo naman kailangan suntukin ako sa ulo! Pangalawang beses mo na ah!?

Siya: Dapat lang sayo yan! Bastos ka eh! Manyakis!

As a guy. Ako nanaman syempre ang iintindi at magpapakumbaba. Palagi naman eh. Hindi nalang ako umimik nun para di na lumaki ang away. Ako nalang ang lumayo.

Four months later

Marketing talk. Nakita ko siya.

"Marketing din pala si Ms. Masungit."

Kasagsagan ng talk biglang nag tawag yung guest speaker. Nagbigay ng situatuonal question.

"What if a customer went to your store look at your product but when he saw the price tag he immediately leaved. What are you going to do next?"

Nag taas ng kamay si Ms. Masungit.

"I will let the customer go. We don't have to iritate them. Kung gusto nila yung product, babalik sila. Maybe as of now, they don't have the money."

Nag oppose ako.

"No. Kailangan nating ipilit yung product. Paano ka makakabenta kung ganyan ka? Habulin mo bago pa makalabas si Customer. I-offer mo lahat at kung bakit worth it bilhin yung product mo."

NV (summary)

Speaker: Actually pareho kayong may point. But a good entrepreneur will do everything just to sell. So tama si *my name*. I-offer mo lahat. Discuss the good qualities, it's edge to other products, offer discounts, etc etc.

Ang panliligaw sa customer ay parang panliligaw din yan sa babaeng napupusuan mo. I-ooffer mo lahat ng meron ka. Ipapakita mo kung bakit worth-it kang sagutin kesa sa iba pang mga lalaking nakapaligid sa kanya. Kapag nagawa mo ng tama, edi sayo siya. Pag nagawa mo ng tama, bibilhin niya.

Pero kung wala kang ginawa, hinayaan mong umalis si customer, parang lalaking torpe sa panliligaw lang yan. Hindi mo siya mapapasagot kasi hindi ka man lang nag effort subukan na suyuin siya.

After the seminar nakita ko si Sungit sa labas. Inirapan ako. Inis na inis sakin. Dahil siguro sa pag kontra ko sa sagot niya.

A month later

Nakasabay ko siya sa jeep. Pa-blumentritt. Nakita palang niya kong sumakay inirapan niya na 'ko. Maya maya bumaba siya. Naiwan niya yung iphone niya kung saan siya nakaupo. Nalaglag ata sa bulsa niya. Kinuha ko agad. Kinabukasan pumunta ako ng department namin. Ipinahanap ko siya sa Record. Mary V***z ang alam kong pangalan niya. Narinig ko nung seminar nung nag attendance sila. Mary Jelliene V**** pala ang real name niya. Second year, block ****. Kinuha ko yung sched at room.

To make the long story short.

Nagpunta ko sa room niya. Hinanap ko siya. Nagpaalam ako sa prof na i-excuse si Mary.

Siya: Baket?! Ano kailangan mo?!!

Ako: Ang sungit mo naman! Oh! Ibabalik ko lang phone mo. Naiwan mo sa jeep! Geh! (walk out)

Siya: PSSSSSST!! PSSSST!

Ako: Ako ba sinisitsitan mo?

Siya: Sino pa ba?

Ako: Ano 'ko aso?

Siya: Halika dito!

Ako: Baket? Susuntukin mo nanaman ako sa ulo?

Siya: Hindi! Sorry pala sa mga nagawa ko. Akala ko kasi masamang tao ka. Di pala. Kung alam mo lang kung gaano ka-halaga sakin lahat ng mga files dito sa phone ko. Salamat ha? Libre kita mamaya. Sunduin mo ko sa room **** ganitong oras ****.

Ako: Okay! squint emoticon

Deep inside: Gusto ng tumalon ng puso ko. Yieeee :"> HAHAHAHAHAHA! Gay.

Sa lunch na yun nagkakilala kami. Hindi pala siya masungit. Matapang siya at ayaw nyang nababastos siya. Nagkakwentuhan ng buhay buhay. Tawanan. Hindi namin namalayan ang oras. Dalawang subject na pala ang naabsenan namin nung araw na yun. Hahaha! Takbo kami papasok ulit. Ang saya lang nung araw na yun. Ang ganda niya kasi pag di siya nag susungit. Lalo na kapag tumatawa siya.

Niligawan ko siya. Matagal. Hahaha! Naging friends muna kasi kami for a year. Then umamin ako, niligawan ko gaya ng panliligaw sa isang customer. At napasagot ko siya.

Entrepreneur
2010
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon