"It was an ordinary day,mag isa sa bahay, bakasyon, wala magawa, gulong sa kama, nuod movie na dinownload ng 5hrs(with shitty internet connection). Biglang may nag doorbell. Si kuya basurero. Sinilip ko sa terrace ""kuya wala pa masyadong basura, balik ka bukas"". Pero nakita ko nakabihis sya ng maayos, kasama yung asawa at 4 na anak.
Nakangiti sila nung sinalubong ko sila sa baba. Sabi nya sakin ""ma'am pwede ba magadvance ng 100pesos? Birthday kasi ng bunso ko, kakain sana kami"" naisip ko ano makakain nila sa 100pesos na 6 sila sa pamilya? Sabi ko nalang ""sige kuya sakto din na pupunta ako sa SM para magwithdraw. Tara samahan nyo ko""
Pagdating namin sa SM nagwithdraw ako. Tapos tinanong ko anak nya, ""Saan mo gustong kumain?"" Nagtinginan ung mag asawa, pahiya naman tinuro ng anak ung Jollibee.
Kuya:""eh ma'am....""
Me: "" wag ka mag alala kuya, treat ko to. Ano gusto nyo?""Habang kumakain sila kitang kita ko ung saya sa mukha nila, parang first time nila makakain ng chicken joy at spaghetti. Pagkatapos nila kumain naghiwalay na din kami sa loob ng SM. Thank you ng thank you yung magasawa. Binigyan ko ng 100pesos at umalis na din ako papuntang supermarket. With my teary eyes, sabay suot ng shades kahit nasa loob ng mall.
I was inspired na ipost 'to nung nabasa ko yung isang nagshare dito sa FEUSF. Sabi nga nya kung kaya ko lang tumulong sa lahat ng mahihirap ginawa ko na, kaso wala akong sapat na pera para gawin yun."
Riise
2007
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3