"Habang naglalakad ako papunta sa next class ko may isang babae na wagas kung tumitig. Maganda sya. Syempre ako na feeling gwapo naman nagpa as if na di ko napansin pero grabe sya kung tumitig parang first time makakita ng gwapo. Hanggang sa natapos yung klase ko tinry ko ulit dumaan doon para icheck kung andun pa sya. Hahaha oo. Bothered parin ako sa babaeng yun. Kaya pagbalik ko andun pa rin sya, nasabi ko sa sarili ko pag ito tumitig ulit hihingin ko talaga number neto. BOOM! Tama nga ako! Type ako neto. Naglakas loob akong lapitan sya.
Me: Miss pwede ba mahingi number mo?
Sya: Nako friend bigay mo number mo oh.
Friend: Nako wag nga. Dinadamay mo pa ako eh. Ibigay mo na.Syempre nag mukha akong tanga. Nalilito ako kung nagpapakipot ba to o nahihiya lang o hindi talaga ako type o nag aassume lang ako. Pero in the end binigay na pa rin ^.^
Kaya ayun nga nag tetext na kami, yung ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. One time ininvite ko sya ng friendly date. Pumayag naman sya at nag kwentuhan lang kami. Habang tumatagal mas nakikilala ko na sya at mas lalo akong humanga kasi sya pala yung tipong ang hirap ligawan, hindi sya naniniwala sa tuwing nagsasabi ako ang sweet messages at malaki ang trust issues niya sa mga lalaki. OO, 2nd week pa lang niligawan ko na sya.Pero palagi niyang sinasabi sa akin na tumigil na kasi hindi pa sya ready at natatakot syang masaktan and take note kasi nbsb nga sya. Hindi ko alam pero na chachallenge ako sa kanya. Hindi sa pag mamayabang araw lang ako kung mangligaw dati at napapasagot ko na sila agad. Kaya hindi ako tumigil ng kasusuyo kahit palagi nya akong nirereject. Kaya naman nang malaman ko na malapit na Birthday niya, nagplano ako ng munting surprise..
Me: punta ka dito kina cai emergency!!!
S: ano bakit??? Anong nangyari?
Me: wag na madaming tanong kailangan ka dito. Bilis!
S: Fvck. Papunta na ako!
(Cai is her best friend)And boom. Pag dating nya syempre nabigla sya kasi andun yung barkada nya. At madaming handa. ako nagluto nun lahat. Oo lahat. First time ko ginawa to para sa isang babae.
Pagkatapos nung party akala ko magiging ok na kasi naiparamdam ko sa kanya na seryoso ako. Pero.....Siya: Salamat sa pag aabala. Nabigla ako. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit pero please last na to. Sa mga ginagawa mo mas lalo akong na giguilty. Hindi ko alam kung masusuklian ko ba ang pagmamahal at effort na binibigay mo sa akin o hindi. Na prepressure na ako. Please tumigil ka na.
Parang pinagaskluban ako ng langit at lupa. First time kong maka encounter ng babaeng paghihirapan ko talaga. Sa lahat ng naging ex ko sa kanya ko lang nagagawa lahat ng effort na akala ko hindi ko kaya. Tinamaan ako. Imbes na tumigil ako mas nasabi kong siya ang ideal girl ko at alam ko worth it pa rin sya kaya tinuloy ko pa rin. And let's jump into many months na pangungulit ang pangsusyo, atlast sinagot na nya ako. Para akong dumaan sa butas ng karayon. At ngayon 5 years na kami. :))
Sa lahat ng naging girlfriend ko sa kanya lang ako nagtagal at sa kanya ko mas naramdaman ang tunay na pagmamahal. Sobrang worth to wait ka babe at hanggang ngayon inlove na inlove pa rin Ako sayo. I will wait for you eventhough mag one year na tayong ldr (she's in us now). See you soon!( dare lang pala ni babe tsaka ni cai yung titig (titig game) at di nya pala talaga ako type nun but thanks to that game grin emoticon )"
Kulit
2009
IE
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
NezařaditelnéIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3