"Guys please bare with me. At sana po ma-post ito smile emoticon
1st year college ako ng nakilala ko siya, 2nd trimester noon. First day of class pagpasok ko sa classroom ayun, umupo ako agad sa likod, kasi mahiyain pa ako. Then napansin ko yung isang girl, Hindi ko alam bakit naakit ako agad sa batok niya, I dont know why pero, iba eh. Syempre uso sa class yung ""introduce yourself"", nung si girl na yung magpapakilala, huminto ang mundo ko, siniko ko nalang katabi ko (bestfriend ko) at sabay sabi sa kanya na ""Pre, Kamukha ni BEA ALONZO"". Na-stun talaga ako noon. Kaya naging crush ko na siya after nun.
Fast forward tayo: Ilang weeks na ang nagdaan hindi ko parin siya nakakausap, kaklase ko pa naman siya halos lahat ng mga subjects ko. Then nagkaroon kami ng quiz sa Advance Algebra. Yung bestfriend ko talaga ang katabi niya sa subject na yun, so nag-make na talaga na ako ng move para makilala siya. Kinausap ko yung bestfriend ko na tatabihan ko si girl sa exam. So pumayag naman si bessy. Ang una kong ginawa ay kinausap si girl at sabay sabing pakopya ako ah, ngumiti lang siya sa akin. So eto naman ako, alam ko sa sarili ko na kaya ko yung exam. Ito si girl pinapakita niya yung mga sagot niya sa akin, pasilip silip ako kunwari. Pero sa totoo lang hindi ako komopya. hahaha. Natapos na ang exam at hindi ko siya pinansin, suplado type smile emoticon
After ng exam umuwi na kami ng mga tropa ko at naisipang uminom. Kwinento ko sa kanila yung ginawa kong diskarte tapos malaman laman ko nalang na lahat sila ay crush din si girl at nakakatext pa nila, naisip ko na hindi ako papatalo. Hiningi ko number niya sa mga tropa ko at nagpasalamat ako kasi pinakopya niya ako (pero hindi naman talaga.hahaha). The following days lumabas yung result ng exam, ayun mataas score ko smile emoticon, sa hindi ko inaasahan lumapit si girl para magtanung ko kung ano naging score ko. Nagulat siya nung makita niya yung result. Mas mataas pa ako sa kanya, eto ako suplado type, ngiti ngiti lang sa kanya smile emoticonNaging close narin kami kahit papaano, pero hindi ko pinapahalata na may gusto ako sa kanya, habang tong mga tropa ko sobrang papansin sa kanya, ako nasa gild gilid lang sumusulyap sa kanya. Pero dumating yung time na naipon lahat ng lakas ng loob ko. Eto na, niyaya ko siyang magsimba sa San Sebastian Church, good news pumayag naman siya. Matapos nun nag mall kami at kumain lang, tapos napadaan kami sa Artwork Store at tumingin ng damit, eh may nakita kaming shirt na mukhang tamarraw para sa akin at para sa kanya ay aso, so nagtalo kami, talong biruan lang, hanggang sa naisipan ko na bilhan siya, sakto mura lang naman P99 lang eh, eh ayaw niyang patalo binilhan niya rin ako, natatawa nalang ako kasi different ang price ng shirt pag sa boy at girl. nabili niya ata ng P149.hahaha. Hindi pa nga kami pero may couple shirt na. Doon nagsimula ang spark namin smile emoticon
Lagi na kaming magkasama, laging sweet, pero wala kaming label. Then that day come, Nov. 9 sa may kanto ng P.Campa. Nakasakay kami ng jeep, at masayang nagkwekwentuhan, eh magkaharap ang mukha namin, nang biglang nagpreno ang jeep at nagdampi ang aming mga labi. Hindi ko alam pero parang nagka heart attack ako, kumislap mga mata niya. at alam ko na THIS IS LOVE. Naging officila na kami that day. Pero sabi nga nila laging may kapalit ang happy moments. Dumating yung time na kailangan niyang bumalik sa Italy upang magbakasyon, ok naman nag-explain siya. 3 days lang naman eh. So eto ako naniwala, 3 days, hanggang sa naging 3 weeks wala parin at 3 months nasa italy parin siya, pero naka LDR kme. pero dumating yung time na malabo na talaga, bumitaw siya. so eto nawala siya.
After 9 months, may nasagap ako na balita na, nandito na raw siya uli sa Pinas. at mag aaral uli sa school namin. Hindi ko natiis at hinanap siya uli. Saktong last day ng enrolment, nakita ko siya, hindi talaga ako nagpigil hinabol ko siya sa kalsada at biglang yakap sa kanya ng mahigpit. Ang ending naging kami uli smile emoticon. So masaya na kami uli. We miss each other eh. Ok naman kami after 1 to 2 yrs. Pero dumating narin kami sa point na naglalabuan na, may mga differences narin kasi, ahead na ako ng studies sa kanya, dumating nrn yung time na nasasabi ko sa kanya na huwag natin i-ikot yung mundo natin sa isat isa. Oo, naging kampante na ako na hindi siya mawawala sa akin. Marami rin siyang naging sacrifices para sa akin, she had to give up her slot for PBB teens, oo papasok na sana siya ng bahay, eh mas pinili niya ako. So pinilit ko parin relationship namin, that time magtatake na ako ng board exam sa CE, sabi ko sa kanya gagawin ko lahat para makapasa, para hindi masayang sacrifices mo sa akin, sa awa naman ng Diyos nakapasa ako. Masaya ako sobrang thankful, naisip ko na, bahay,kotse at pera, nalang proproblemahin ko, para mataguyod ko na siya.
Pero nawala eh, nawala siya bigla. Alam ko marami akong naging pagkukulang, alam ko na ako yung may problema. May nagparealize sa akin na tingin niya, na-fall out na siya sa akin, naaawa nalang at nanghihinayang sa 4yrs relationship namin. Pero wala, kahit ipaglaban ko pa siya at habulin, huli na ang lahat. Dahil meron nang iba na nagpapasya sa kanya. Doon na ako huminto sa linya na yun at hindi na humakbang pa uli.
P.S.
It all just sounds like oooooh...
Mmm, too young, too dumb to realize
That I should've bought you kwek kwek/ isaw
And held your hand
Should've gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every timezone
'Cause all you wanted to do was play
Now my baby's playing
But she's playing with another manSorry sa lahat. Sorry. Mahal pa rin kita. Sana kung mabasa mo ito, nandito lang ako."
GIB-SONE (big nose)
2014
Alumni
FEU East Asia College
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3