Second Life.

372 3 0
                                    

"Permission to posr Admins, salamat.

Laslas, Bigti, Putok ng baril sa ulo... Ilan lang yan sa mga paraan para kitilin ang sariling buhay.

May mga taong nagtatanong kung bakit pa sila binuhay or nabuhay, may mga taong hinahangad na sana mamatay na lang sila.

At ako ay isa rin sa kanila. Hinangad ko din na sana mawalan na lang ako ng hininga at mawala lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Anong dahilan?

Magulong Pamilya
Kulang sa Attention at Pagmamahal
Abusadong Boyfriend

MAGULONG PAMILYA:
Si dad, sumakabilang bahay.
Si Mama, walang tigil sa kakakumpara sa akin at ng aking ubod na talinong kuya
Ang ubod kong talinong kuya ay ubod ng bobo at tanga ang tingin sa akin. 'Bobo at tanga' and lagi niyang sinasabi sa akin at kapag ako ay nagsumbong sa aking mga magulang, siya pa ang kinakampihan.
Ang bunso kong kapatid, na sa kanya lahat ng attention, dahil siya ay isang 'special child', hindi ko matanggap ang kanyang kalagayan.

KULANG SA ATTENTION:
Bata pa lang ako lagi na akong nilalait ng mga tao. 'Pangit, Negra, ita at iba pa..'
Pakiramdam ko mag-isa lang ako...

ABUSADONG BOYFRIEND:
Verbal at Emotional abuse na tumagal ng tatlong taon.
pinahiya at tinawag na pokpok, kaladkarin sa harap ng kanyang mga kaibigan at madaming tao
Tinakot ako sa pamamagitan ng baril kung siya daw ay aking hihiwalayan ito ay kanyang kakalabitin
Kinontrol ang buhay, lahat pinakielaman.

Napagod na ako, nagsawa na.. Dumating pa sa punto na nagalit ako sa Diyos dahil hinayaan niyang magkaganito ang buhay ko. Galit na galit ako sa kanya. Sa sobrang galit ko, binabastos ko siya, at mas lalo pang napasama..

Sinasayang ko ang aking buhay, wala na akong pakialam sa mundo. Ninais ko na mawala na lang at tapusin na lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Dumating yung araw na nagkasakitan kami ng aking ina dahil nakita niyang sinasayang ko ang aking buhay.. Nakita niya ang mga galos at sugat sa aking katawan na ako mismo ang may gawa...

Umiyak ang aking ina at sinabing ako ay mahal niya, sana wag kong sayangin ang aking buhay pero wala na akong pakialam ng mga panahon na iyon..

..Gusto ko ng tapusin ang lahat at mawala na lang na parang bula...

Naaalala ko nung bata ako, sinabi ng aking ina na pabalik balik kami sa hospital ngunit di ko na tinanong kung ano ang dahilan.

At ng nakita niyang sinasayang ko ang aking buhay ay dun na nga niya sinabi ang totoo.

MIRACLE BABY..

Bata ako ng nalaman nilang ako ay may Cancer sa dugo or Leukemia.
Ang sabi ng mga doctor, wala na akong pag-asa. Dinala ako ng aking mga magulang sa isang simbahan sa Pangasinan, pinabasbasan at dinasalan.... Ilang oras lang daw ng ako ay biglang naging masigla, at ng pinacheck up nila muli, wala na akong cancer... Miracle Baby kung tawagin nila.

SECOND LIFE.

Merong ibang tao na sinasayang ang buhay, katulad ko. Magkaroon lang ng unting problema, Iwanan lang ng syota ay gusto na agad magpakamatay, samantalang hindi natin naiisip na merong iba na gagawin ang lahat para lang magkaroon sila ng pangalawang buhay.

Kung tayo tinatanong natin kung 'bakit pa tayo binuhay', silang mga lumalaban sa buhay nila, ang tanong nila 'Bakit ako?, Bakit kelangan ko magdusa, wala naman akong ginagawang masama'

Merong iba, nandun sa hospital hinang hina na at mamamatay na pero umaasa pa din na mabigyan sila ng 'Second Life'...
Yung iba diyan, wala namang bisyo pero sila pa ang tinamaan ng sakit...

Samantalang ikaw na sobrang lakas at lusog, ay gusto ng mawala sa mundo...

Sobrang galing ng Diyos pinagaling niya ako..
Unti unti inayos niya ang pamilya ko.
Ang aking ama ay bumalik sa amin at nabuo muli ang aking pamilya.
ang aking ina ay unti unting nagbago
Pagkaraan ng 4 na tao na hindi kami nag usap ng aking kuya, kami ay nagkaayos.
At natutunan kong mahalin ang aking bunsong kapatid.
Ang aking Ama at Ina ay naglilingkod na ngayon sa Diyos.
Ako ay miyembro na din sa isang organization para sa Diyos.

Lahat tayo ay may dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo, kung bakit tayo binuhay ng Diyos at patuloy na nabubuhay.

Ang buhay ay parang isang daan, minsan matuwid minsan naman bako bako.
Ang kailangan lang ay maging matapang at may pananalig sa Diyos

Ang pagkitil ng sariling buhay ay di dahilan para matapos ang problema.
""Thou shall not kill"". Tanging ang Panginoon lamang ang maaaring bumawi sa ating buhay.

Wag mo sayangin ang iyong buhay, Kumapit ka lang at Manalig dahil walang problema na hindi natatapos.

Tulad ng Diyos, binigay niya ang buhay niya para sa atin, para tayo ay maligtas sa kasalanan kaya dapat tayo ay magpasalamat.

Pag gising pa lang sa umaga ay sapat ng dahilan para magpasalamat.

Pahalagahan ang iyong sarili dahil hindi lahat ay nabibigyan
n ng pagkakataon para mabuhay..
"

Miracle Baby
22
Other

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon