"Medyo hesitant akong mag submit ng story at first, baka kasi mabasa mo, pero naalala ko, di ka nga pala mahilig magbasa kaya naman inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at binuo ang kwentong 'to.
Isang dekada na pala mahigit ang nakalipas...incoming first year ako nun sa FEU- d ko na eksakto maalala kung pano naging tayo basta ang natatandaan ko bago magpasukan tayo na. Madalas mo kong sunduin noon, dun pa nga sa 7-11 malapit sa gate 2 mo ko lagi hinihintay. Bago pa lang nauuso ang cellphone non, at ang alam ko nakikigamit ka lang sa mga kasama mo sa bahay para magkatext at magtelebabad tayo. Kaya naman pag sinabi mong pupunta ka sa Morayta ng ganung oras- kahit may klase ako takbo ako sa 7-11 para i-confirm kung dumating ka talaga. Naalala ko isang beses may klase kami at may certain activity kaya di ako nakalabas sa set time na sinabi mo, 3 hours ka naghintay- sabi mo pa nga muntik mo nang pinalitan si Ronald Mcdonald dahil di ka umalis sa pwesto mo to make sure makikita kita agad paglabas ko. I was over the moon sa tuwing sinusundo mo ko kasi alam kong di biro ang layo ng biyahe mo mula sa inyo papuntang Manila. At sa tuwing sinusundo mo ko, diretso date tayo... nood sine, kain sa labas, gala gala sa Quantum at WOF. Typical na date ng mga walang budget. Pero isang beses sinundo mo ko bigla, nagtext ka lang na paalis ka na, sabi mo in 2 hrs nasa 7-11 ka na. Excited ako non, kasi matagal tagal tayong d nagkita, kaya naman kahit may 2 klase pa ko- sumama na ko sayo pagdating mo. Galit na galit sa kin yung bestfriend ko nun, sabi niya BI ka daw. Pero siyempre pinagtanggol kita, just like what I always do. Bago matapos ang first sem, nabigay ko na sayo lahat--wala, na-inlove eh. End ng 2nd sem ok tayo- laging lumalabas, the usual routine. At lagi akong 7th heaven pag sinusundo mo ko--kahit madalas allowance ko ang ginagamit nating pang-date, walang problema basta masaya ko pag magkasama tayo. First Year,Third Sem, di ako dinatnan. Patay. From then on-- my life was like a whirlwind of disasters. Ayoko nang i-recall lahat ng detalye. But through everything that happened, you stood by me--yun nga lang you just stood there. Di kita naramdaman, parang andun ka lang pero wala naman din. I went through everything on my own, emotionally, physically, at psychologically. I gave up my future-- I was given an option, and I chose to be with you. Kaya hinarap at kinaya ko lahat, ginusto ko yun eh,-- sabi ko nga sa sarili ko para sa love titiisin ko. Lahat ata nang klase ng sakit naranasan ko during those years of living together. Umasa ako na magbabago ka, umasa ako na babalik yung ""happier days"" nung hindi pa ganto ka miserable yung sitwasyon natin. Hinahanap hanap ko yung masarap na pakiramdam pag tumatabi ka sakin, kaya lang parang ang lamig na. Parang ako nalang yung excited pag magkasama tayo. Di ko alam eksakto kung anong nangyari. I'm not sure kung nagbago ka kasi o lumabas na lang yung tunay mong kulay. Pinilit kitang intindihin at patuloy kong sinikap pagsilbihan ka-literally just so you won't leave me. I gave everything I have—wala akong itinira sa sarili ko. I even put you on top of everything else in my life—pati yung pagiging nanay ko isinasantabi ko para sayo. Pero parang di mo nakita yun lahat. Ang sakit kasi, lahat ng sacrifices at pagmamahal ko binalewala mo. Brazo de Mercedes, sabi mo favourite mo yun. Kaya nga sinikap kong matutunan yun gawin eh, excited pa nga ko nung unang beses kong gumawa non, inimagine ko yung magiging reaksyon mo. Pero pagkakita ko sayo, tumango ka lang. Pero di pa din ako sumuko, ginawa ko lahat ng gusto mo, pag may sinabi kang kailangan or gusto mo, hndi ka nagdadalawang salita, binibili ko agad. Pag Christmas, todo effort ako sa pagbili ng regalo na mgugustuhan mo, pero sa loob ng sampung taon na un, I never got anything from you. Oh well, baka kasi di ka lang talaga thoughtful. Di ka din expressive.. Di din appreciative. O baka naman kasi di mo lang talaga ako love? Then finally I reached the end of my rope. Wala eh, ginawa ko na lahat. Tama na pagpapakatanga. Kaya, wag kang magtaka kung wala na talagang natira—inubos mo eh.
I know your happier now, wala na kasing tatawag sayo at magtatanong kung anong oras ka uuwi...d ba ayaw mo non?
I learned my lesson the hard way. And I'm sure this is a lesson I shall never forget. Ang puso, kaya hndi nilagay sa taas kasi pahamak. Gamitin ang utak, at puso pareho--All the time. Pag nagmahal ka, siguraduhin mong mahal mo din ang sarili mo, wag lahat ibigay.. kalahati sayo—kalahati sa mamahalin mo, para hindi ka mapagod masyado."
Kim
2010
IAS
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
SonstigesIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3