Nag quiz kami sa algebra at trigonometry. Sobrang sabaw na ng utak ko kasi mag 1 week na akong 4 hours lang ang tulog, 7am kasi lagi ang pasok ko tapos ang dami pang kailangan tapusin sa ibang subjects. Di ako nakapag-aral sa dalawang math na yan, eh 2 meetings ba naman akong absent dahil nagkasakit ako. Wala ako halos naaral kasi di ko alam kung anu yung mga topic. Masaklap pa nito magkasunod ang algeb at trigo ko. Jusko!
Natapos ang algebra. Trigo na lang! Nung binigay na yung questionnaire natulala ako. Sheeeet! Isang oras ko tinitigan yung papel. Wala akong maisagot. Ipinasa ko na lang yung papel tapos kinausap ako ng prof na pumunta daw ako sa MRC then magpaturo during vacant niya at vacant ko.
Umuwi na ako after nun. Sobrang disappointed at sobrang lungkot. Nag decide na lang ako maglakad pauwi ng dorm. Habang naglalakad sa may Gastambide, may nagpapatugtog ng BLANK SPACE ni Taylor Swift!
""But I've got a blank space baby, and I'll write your name!""
P*tang ina lang! SIGE IPAMUKHA NIYO PA!!! Oo na ako na! Ako na ang bagsak! Ako na ang walang sagot! T*ngina! _P.S. Sa mga tropa at classmates ko. Pls. Wag niyo akong i-tag!"
BlankSpacer
2015
FEU Institute of Technology (FIT)
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RastgeleIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3