Nag aargue kami ng ate ko tungkol sa kung sino ang madalas gumagawa ng paraan para magkaroon ng break up.
My explanation:
As a guy, syempre mas ibi-blame ko ang mga babae ang madalas gumagawa ng dahilan para magkaroon ng break up.
Sobrang moody kasi ng mga babae. Kaming mga lalake may ego rin. Hindi naman siguro fair na mag sosorry kami dahil nagalit lang sila ng walang dahilan o nairita dahil sa period nila. Di naman namin kasalanan na meron sila nun eh. Pag kami naman ang nagalit, hindi man lang magkaroon ng tiyaga manuyo. In relationship, it should be balanced and fair. Pangalawa, karamihan sa mga babae hindi marunong mag appreciate ng efforts. Di nila alam sobrang nahihirapan na kami sa pinapagawa nila pero ginagawa parin namin kasi mahal namin sila. Buti pa nga sa mga napapanood nilang teleserye kinikilig sila pero sa effort na pinagpaguran namin kahit thank you wala pa. Pangatlo, demanding. Ang daming gusto, ang daming pinapabago, gusto sila lang ang masusunod. Eh pano naman kami? Asan ang equality? Yung iba pa nga panay pabili pa. Pang apat, sobrang selosa at insecure. Yung tipong wala kang ginagawa at malinis ang konsensya mo pero pag dududahan ka parin. Puro hinala, puro bintang na wala sa lugar. Pang lima, sobrang emotional na nagiging paranoid. Magiging cold, magtatampo pag tinanong puro wala ang sinasagot. Tapos last minute sasabihin ung reason, eh pucha sila lang din gumagawa ng ikakagalit nila. Pang anim, masyadong attention seeker. God! May buhay din naman kami. Hindi lang naman sa kanila umiikot ang mundo namin. Nag aaral kami, nag babarkada, may responsibilidad sa pamilya, may hobbies. Yung di mo lang matext because of those reasons nag tatampo na, nakikipag break na. Puta naman.
For me, babae ang reason kung bakit nagkakaroon ng misunderstanding o quarrels na nauuwi sa hiwalayan. Sila din ang provoker at nag titrigger ng galit naming mga lalake.
My ate's explanation:
Lalake ang madalas na dahilan kung bakit may break up.Una, karamihan babaero! Makakita lang ng babaeng naka palda o labas ang suso naaakit na. Nakakalimutan na may girlfriend sila. Pangalawa, karamihan two timer di makuntento sa isa. Pangatlo, ningas kugon. Sa una lang nag eeffort, sa una lang magaling pag tumagal na wala na. Tinatamad na kasi kampante na. Pang apat, yung iba walang balls. Hindi kayang ipaglaban ang relasyon. Pang lima, malilibog. Kadalasan sex lang ang habol pero wala na ung love. Pang anim, uhhhmmm... Uhmmm. wala na kong maisip. Haha
Me: Di na siguro nag eeffort ang lalake kasi napagod na. Kung di naman naaappreciate gaganahan ka pabang mag effort? Hindi na diba? Atsaka kahit minsan naman matuto kayong mga babae mag effort. Puro kami ang pinupuna nyo eh kayo ba? Tsk. Sa relasyon dapat pantay lang. Nagtutulungan para mabuild at maging strong ang relationship. Ang unfair naman kung isa lang ang kumikilos at yung isa, nakatunganga lang.
Ate: OO NA! IKAW NA! KAMI NA MGA BABAE ANG MADALAS MAY KASALANAN! IKAW NA SPOKE PERSON NG KALALAKIHAN! IKAW NA MVP!Hahahahahahaha! Salamat sa pagbabasa.
PS: Ang pinag uusapan namin ay yung "madalas" na gumagawa ng dahilan.
PPS: Alam namin iba iba ang dahilan ng hiwalayan pero pinag uusapan namin ung mga common reasons.
Spokeperson hugoat
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3