PARA SA BESTFRIEND "DAW" NG BOYFRIEND KO

485 2 0
                                    

Wala namang problema sakin na maging magkaibigan kayo gaya ng sinabi nyo sakin noon kahit may past kayo ng boyfriend ko. Hindi naman ako nate-threatened sa fact na yun. Ang sakin lang sana matuto kang rumespeto na may ka-relasyon na siya. Hindi yung araw araw yayayain mo siya kung saan saan na kayong dalawa lang. Yung mag po-post ka sa wall niya ng mga sweet msgs with I love you thinking of the fact na mababasa ko yun. Sa boyfriend ko may tiwala ako kasi lahat ipinagpapaalam niya sakin kaya nga alam kong madalas kang mag-aya eh. Pero kung nasanay ka noon sa sitwasyon na anytime mo siya tawagin dadating siya pwes hindi na ganon ang sitwasyon dahil may girlfriend na siya. Wag mong ipamukha sakin na nauna ka at alam mo lahat sa kanya dahil ikaw ang nang iwan sa kanya noon. Kaya nasa akin siya ngayon.

Ilang linggo kang hindi pinansin at dinedma ng boyfriend ko kasi pinapili ko siya kung ako o ikaw tapos itetext mo siya na "Iwanan mo na yan. Tayo nalang ulit." Di ako nagmumura pero g*go ka ba? Hindi ako nananakit pero wag mo akong pilitin. Wag kang bastos. Kababae mong tao ikaw pa naghahabol. Maawa ka sa sarili mo. Desperada!

Legal Girlfriend
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon