"Ako kasi yung tipo na kung makakatipid, magtitipid. kaya mas pinipili kong mag jeep papasok ng school kaysa mag LRT. tutal maaga pa naman tsaka medyo malamig pag umaga, kaya medyo hindi haggard.
so, habang naghihintay ako ng jeep na papunta sa recto pero puno lahat, kaya wala akong choice kung hindi sumakay sa susunod na jeep na meron pang space kahit konti.
(may dumaan na jeep papuntang recto)
pagpasok ko ng jeep, nakita ko na pang isang tao nalang yung space na nasa dulo malapit sa driver nung jeep.(no choice again) pag upo ko, napanisin ko agad na yung katabi ko ""couple"" kaya medyo awkward kasi mag isa lang ako (di naman ako bitter kaya di na ko magpo-protesta na ""Walang Forever"") kaya hinayaan ko lang sila.
(umandar na yung jeep)
(habang lumilipad na yung jeep papunta sa aming destination)naramdaman ko na parang lalong sumisikip yung space sa inuupan ko tsaka may sumisiko ng bag ko, paglingon ko, si ate at kuya(yung couple), nag kikilitian pa sa jeep. tinignan ko lang sila, pero napansin ni kuya na hirap na hirap na ko sa pagkakaupo ko. kaya tumigil na silang dalawa tsaka umaayos na ng upo.
at dahil maaga nga at hindi traffic, mabilis umandar yung jeep. habang nakayuko ako at kinakalkal ang bag ko, parang may kumikiliti sa leeg at batok ko. paglingon ko, nakita ko na si ate, daig pa si ""medusa"" at ang model sa lahat ng shampoo brand sa pag lipad ng buhok niya, na tinatawag kong ""MAKABAGONG PANCIT"", dahil sa haba at pagka-brown ng buhok niya.
at dahil hindi ako kumakain ng pancit na lumilipad, hinahawi ko yung buhok niya, at di ko sinasadyang mahaltak yung buhok niya, kasi sa sobrang haba. (nasaktan ata siya) kaya nilagay niya sa isang side yung buhok niya at inirapan ako.
Hi kay Ate, hindi ako nagagalit o naiinis sadyang busog lang talaga ko dahil kaka-breakfast ko lang, pero dont worry masarap yung buhok mo lasang shampoo.
PS. Sa susunod ate sana may sahog na smile emoticon"
CHA
---
Institute of Tourism & Hotel Management (ITHM)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3