"""Bad influence ka sa anak ko eh.""
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yung mga salitang sumampal sa akin galing sa mommy nya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact, hindi ko alam kung anong isasagot ko, napayuko nalang ako.
Alam nyo yung pakiramdam na sa bawat araw na pumupunta ko sa bahay nila pakiramdam ko hindi ako welcome. Yung tipong pagnakikita nila ko, isang tipid na pekeng ngiti yung natatanggap ko. Hindi ko nalang masyado iniisip yun, malulungkot lang ako. Sa twing umuuwi ako galing sa bahay ng boyfriend ko, ang laging tanong nya sakin ""Bakit ang tahimik mo kanina? Sila mama nanaman ba? Gusto ka nga nun. Ganun lang talaga sila. Walang bigdeal dun."" Sana ganun lang kadali tanggapin yung mga sinasabi niya, pero hindi yun ang nararamdaman ko. Hanggang isang araw nasa bahay nila ako, bumaba yung boyfriend ko tapos naiwan kame ng mommy niya sa dining area.
""Akala ko may maganda kang maitutulong sa anak ko, akala ko lang pala. Natututo siyang magsinungaling dahil sayo. Alam ko marunong siya magsinungaling, pero akala ko mababago mo siya. KABALIGTARAN PALA.""
Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya. Hindi ko tinuturuan magsinungaling yung boyfriend ko. Ayoko ng ganun. Hindi nalang ako sumagot kase malaki ang respeto ko sa kaniya. Durog na durog ako sa mga oras na yun, pinigilan kong umiyak. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para masabihan nya ko ganun at isipan ng masama. Sa twing nag aaway yung boyfriend ko at yung mommy nya, ako yung umaawat sa kanya. Sa twing naiinis yung boyfriend ko sa mommy niya, ako nagpaparealize sa kanya kung gaano lang nag aalala yung mommy niya sa kanya. Sa twing sumasama loob niya, ako yung nagpapa-intindi sa kanya ng mga bagay na hindi niya maintindihan about sa mom niya. Malapit ako sa mommy ko, sya hindi. Hindi alam ni tita kung gaano ko siya pinahahalagahan. Hindi ko alam kung anong nagawa ko. Basta may maling magawa yung anak niya, ako agad ang nang-iimpluwensya. Gabi gabi akong umiiyak at nag iisip kung anong meron at galit siya sakin. Kanina nagtext siya sakin na wag ko daw pinupuyat yung anak niya kakachat. But the truth is, yung anak niya yung ayaw matulog kse nag-away nnamn sila ng mommy niya.
Masasabi kong nahihirapan ako. Pero kaya ko pa naman. smile emoticon Im just hoping for a better relationship with his mom. Just ""ALWAYS PRAY AND NEVER GIVE UP."" -LUKE 18:1"
God's Princess
2015
IABF
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3