"Walang sparks dito.
This happened at Cafeteria, yung sa tech. Bumili kasi ako ng dalawang betcho, pero madaming tao kaya hindi muna ako napansin, kaya nag-intay na lang ako. Tapos maya maya may dumating na taga FIT. Um-order din ng betcho. Dalawa din. Eh dalawa na lang yung natitira. So nung binigay na ako yung kumuha, mejo nag-away pa kami. Pinipilit niya na kanya daw yun. Sa isip isip ko, gagong to. Hindi na lang ako pinagbigyan. Eh nauna naman talaga ako, naiiyak na ko nun kasi pinagtatawanan na ko ng tropa niya. Ganun kasi ako pag di ko makuha yung gusto ko. Pero nagmatigas ako. Sinabi ko na
""Akin to, gunggong."" at umalis. Tatahimik na sana ko pero sinabi niya pa na
""Bakit ba kasi may taga ibang institute? Dapat sa Tech lang to eh."" Dun na ako nainis, binalikan ko sya.
""Hoy Kupal. Nauna institute ko kaya tumahimik ka. Hindi sayo to. Lalo na yung betcho. Gago!"" tinalikuran ko sya at umalis na. Dala dala ang pagkapanalo.Umalis na ako, kasi anytime soon. Magiging psycho na ko.
Badtrip na ko magdamag dahil lang don sa nangyari kahit sakin naman napunta. Pauwi na ko, air conditioned bus yung sinasakyan ko. Sa terminal ako nasakay so hindi ako nagsstanding. Yung nakatabi ko nun by that time eh galing UE, nakalagay sa lace engineering din. Bumyahe na yung bus, nagsimula na din magstanding. May babaeng nagstanding, taga PNU. Tumayo agad yung katabi ko tapos pinaupo yung babae. Napatingin ako. Damn, gentleman. At shet, ang ganda nung chix. (Bi po ako)
Chivalry is alive! Nag-uusap sila so kala ko casual lang na magkakilala sila. tapos bigla kong nadinig. ""Ate, penge number mo. Let's be friends."" ampucha, breezy ang gago. Binigay naman nung babae na maharot din kasi todo pakyut! Bumaba na yung chix sa next station. So, umupo ulit yung guy sa tabi ko. Next station may sumakay na matanda. Inaantay kong tumayo si Kuyang gentleman.
Pero 30 seconds na wala pa ring nagpapaupo kay Lolo. Nakita ko naman na nakita niya.""Excuse me nga."" sabi ko dun sa lalaki. Nainis na ako. Ako na yung tumayo. Ako na yung nag-offer ng sit. Nginitian ako ni Lolo at nag thankyou sakin. Bukal naman sa loob ko na ako yung nagpaupo. Pero naiinis lang ako, akala ko gentleman na. Breezy lang pala. Tumingin siya sakin ng parang nahihiya. Nasira na image ng engineers sakin, ganun pa naman yung course ng gusto kong mapangasawa. Kasi feeling ko ang cool nila. Pero ngayon hindi na!
""Ate dito ka na."" in-offer niya yung upuan niya pero tinanggihan ko. Syempre, hahayaan ko syang makonsensya. Nakatingin lang siya sakin the whole trip na nakatayo ako. Lumala pa yung nararamdaman niya nung nakita niya kong naiipit dun. Ng puro lalaki. Pero able naman ako. Kaya nakayanan ko. Malayo pa ako kaya nakaupo na ko, tumabi sakin si Kuyang taga UE tapos nagsorry. Sabi ko wala naman siyang kasalanan. At least, nagsorry siya. Pag-uwi ko iniintay ako ng tatay ko. Ginabi kasi ako. Tapos nagkwentuhan kami. Dati daw si Mama ganun din, standing lagi. Tas siya yung nagpapaupo. Pero yung nanay ko daw, manindigan, pag daw may mas nangangailangan, kahit babae sya, tumatayo pa rin. Isa daw yun sa dahilan kaya niya minahal nanay ko. Breezy ng tatay ko ampf. HAHAHA. Engineer din pala tatay ko, pati yung mga kuya kong gunggong pero labs ako.
""Nak, pagod ka no? May ice cream sa loob, binili kita. Wag ka na mastress."" caring ng Tatay ko. Labyuu my knight. heart emoticon heart emoticon heart emoticon
I declare. Chivalry, is 50/50."Miss Psyche-o
2015
IAS
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3