Pa, please.

462 3 0
                                    

"To say that cheating is a mistake is just plain bullshit.
Cheating will always be by choice.

Eto na lang masasabi ko sa tatay ko.

Pa, hindi mo kami kailangan pang gawing tanga.
Buong baryo natin alam na may babae ka.
Puta. Wag kang magpaawa sa iba.
Wag kang magdrama na panagbibintangan ka lang namin eh meron naman talaga.
Wag kang magkalat ng mga gawa-gawa mong kwento para lang kaawaan ka nila.
May nagsasabi na ang laki daw ng pinayat mo.
Hindi namin kasalanan na mas pinipili mong magbigay ng pera sa isang babaeng mas bata pa sakin kaysa bigyan mo ang sariling mong pamilya. Hindi ko mapagtanto kung bakit hindi pumapasok sa kokote mo na pera lang ang habol sayo ng ahas na yan.

Pa, tatlo kaming babaeng magkakapatid. Mahiya ka naman. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo ang traumang maidudulot ng mga pinagagagawa mo.

Nung isang araw, wala ka pero maraming lalaking nakatambay sa labas. Kasama ko si mama. Alam mo ba? Hindi ko napigilang magsabi ng ""Ta. Nangdidiri ako sa mga lalake."" Napatawa na nga lang si mama.
Pero alam mo, nung pagkasabi ko nun, tinamaan ko. Napagtanto ko na ang laki-laki ng epekto ng mga pinaggagagawa mo sa akin.

Pag may nag-oopen ng topic na may boyfriend ka na ba o kahit anong related dun, ang lumalabas sa bibig ko, ""Hindi ko kailangan.""

Oo, dahil hindi ko talaga kailangan. Mas gusto kong makatapos na ng pag-aaral, makapagtrabaho na kaagad nang makapag-ipon para makaalis na kami.

My mom, she's had enough. Of you, of crying, of pain.

Pa, hindi ko sure kung natatandaan mo pa pero dati nung nagkaroon yung pamilya natin ng problema. Summer yun ng 2008. Sabi mo aalis ka na lang. Lahat kami umiiyak noon at unang beses lang kita nakitang umiyak. Pero pinigilan kita. Kahit na sinakal at sinabunutan mo ako dahil sa kalasingan isang week bago nun. Pinigilan kita.
Katangahan ko diba?

Ngayon, sinulat ko to dahil nahuli kitang lumabas. My mom and my sisters are already asleep. Ako lang nakakita. Alam ko na pupuntahan mo nanaman siya. Magkikita na naman kayo. Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo at ayoko nang isipin kung ano pa.

Pero Pa, tumigil ka na. Please."

LionHeart
2011
IAS
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon