Hindi niya ako pinapansin noon. Nerd kasi ako. Manang. Ni hindi marunong gumamit ng lipstick. Pero dahil sa kanya binago ko ang sarili ko.
Tinry kong maging iba na hindi naman talaga ako. Nag suot ako ng maiikling damit. Nagpa-sexy, nag aral mag make up. Nagpa-cool. Baka kasi sakaling magustuhan niya. Baka kasu yun ang tipo niyang babae. Hindi din pala.
Nagkausap kami ng bestfriend niya na friend ko na alam na may gusto ako sa bestfriend niya.
"Sabi ni Jonard hindi daw bagay sayo yang itsura mo ngayon. Nadidisappoint nga siya kung bakit ka nagka ganyan."
Ako: Ha? Bakit? Ayaw niya ba?
"Wag kang maingay na sinabi ko sayo 'to ha! Ayaw niya kasing malaman ng iba lalo na ikaw."
"Crush ka din niya noon pa man. Natatakot lang siya kasi baka makasira siya sa pag aaral mo lalo na ngayong lagi kang pambato ng Univ natin sa ibang University. Matagal niya ng gustong sabihin sayo pero pinili niyang kapag naka graduate na kayo nalang sabihin para hindi siya maging destruction sa pag aaral mo, running for Summa Cum Laude ka pa naman"
"Sobrang na disappoint siya kung bat ka nagka ganyan. Gabi gabi niyang iniistalk ang facebook at twitter mo para tignan ung mga dati mong pictures. Nung simple ka lang. Yung dating natural na ikaw. Alam kong ginagawa mo yan para kay Jonard pero hindi niya yan gusto at hindi ganyang tipo ng babae ang gusto niya."
"Ang gusto niya ay ikaw."
"Wag kang maingay ha! Pag nakarating to sa kanya lagot ako dun."
"Hintayin mo nalang siya mag tapat sayo after ng graduation nyo. 5 months nalang na naman."
Binalik ko yung dating ako. Yung natural na ako na hindi kailangang mag panggap. April 30 nag propose siya.
Siya: Crush mo daw ako?
Ako: ......
Siya: Mas Crush kita. 😊
Pareho na kaming nag ti-take ng med dito sa PLM. And we are so happy because we have the same goal and that is to be a doctor. 😍
Manang
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
De TodoIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3