Tsuper

376 4 0
                                    

"Hi Admin! Sana maipost po ito. Graduation gift nyo nalang po sakin ito. Isang memorable incident kasi ito habang isa akong mandirigmang estudyante sa Piyu.

So this happened early this year lang during my last first sem sa FEU. Palagi kong naaalala itong incident na to kasi it reminds me of who and what I really am. I hate and love myself at the same time. Mabait naman kasi talaga ako madalas lang kasi para akong masungit.

So heto na nga.. Isa ito sa mga ko. Galing kasi akong gawaan ng Thesis that time, as far as I remember, nagconduct kami ng interview earlier that day. Sa coffeeshop sa Banawe ako galing that time at naisipan kong dumayo sa Mandaluyong para dalawin ang girlfriend ko na nagoOJT dun. Pagkasakay ko pa lang sa jeep sa Banawe, pansin ko umaaura na si Manong driver. Out of curiosity, nag observe lang ako. Nakakairita kasi. Alam nyo naman yung feeling na naka headset ka tapos mapaparanoid ka kapag may rare noise na nakikiblend sa pinapakinggan mong music so nagdecide akong istop muna yung soundtrip ko. Bawat tigil ng jeep, napapamura at nagyoyosi na at lahat si Koyang driver. Nilingon ko sa kabilang side (nasa medyo harap kasi ako nakaupo, left side, heading south yung jeep) napansin ko ang isang Lola pero nakita ko naman na may hawak siyang pera sa kamay at akmang makikisuyo pa pero parang tumatiming lang. So tumingin ako sa iba, pansin ko may tatlong lalake kaya akala ko sila yung pinag iinitan pero very wronggg! Bumaba yung mga kolokoy sa may bandang España eh after nila bumaba ganun pa din asta nung walang modong tsuper na yun. Then nung malapit na kaming UST, pansin ko panay tingin ng masama yung tsuper sa isang Lola sa kabilang side din. Maya't-maya sumigaw si Manong driver.

Driver: ANO LOLA?! DI PA KAYO BABABA?! KANINA PA KAYO DYAN AH! DI PA KAYO NAGBABAYAD!

Tingin lahat kay Lola naiiyak na. Humugot muna ako ng lakas ng loob habang humuhugot ako ng P20 sa purse ko. Habang humuhugot ako, may isang Ate pa na nakatitig sakin. Natatawa ako noon kasi para akong ewan. Sorry naman! Nag iingat lang. Mahirap na maholdap no. Pero mas nangibabaw yung inis ko. Sa sobrang inis ko sa anakngtupang tsuper, bago ako bumaba, tinanong ko si Lola kahit malayo sakin.

Ako: Nay san daw po kayo bababa?
Lola: Quiapo anak *teary eyed*

Ako [sa driver]: OH HETO MANONG! BENTE PESOS! SAKSAK MO SA BAGA MONG BASTOS KA! PARANG WALA KANG NANAY!

Guess what? May pumalakpak at nagmock lang naman sakin. Parang eskandalosa pa ang naning labas ng ginawa ko dahil sa reaksyon nung ibang pasahero. Lalo akong di natuwa. Ang daling magkusa wala man lang gumawa. Wala man lang naawa. Truly, our society is corrupted. For manong driver na walang awa, again, MY MIDDLE FINGER SALUTES YOU!"

Miss Poli-Say
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon