Notworking

288 3 0
                                    

Yung feeling na gusto mo nang bumawi sakanya dahil ikaw ang dahilan ng breakup nyo before pero iba ang nangyari.

Nakakaloko na nakaka #@%&

Matagal na kaming break at aminado naman ako na kasalanan ko dahil nagloko ako.

Dumating yung time na naka unblock nako sa fb acct. nya at naka receive ako ng message na mag date raw kami at may pag uusapan raw kami.
Syempre pagkakataon ko na bumawi so, go kami.

Pagdating sa resto...

Nagtaka ako bakit andami namin?
Group date ganun?

Wait lang daw at may hinihintay pa raw sya. Pagdating ng lalaki biglang kinamayan kami tapos naka kutob nako dahil parang familiar yung eksena.

Ayun nanga, sinama nya ako sa
"Open-minded kaba sa business?" chu chu.

Medyo nakakakainis na nakakaasar na #@@&%""%#& umasa ako sa wala dahil iba pala motibo nya. Tapos kinausap pa ako nung kuya habang naiinis nako sakanya na kesyo 2 months raw nagka kotse na sya dati nagsangla raw sya ng ganito tapos kotse raw naging kapalit. Gusto kong sabihin
"PAKE KO SA KOTSE MO! HINDI YAN PINUNTA KO DITO!!"
-____- samahan raw sa office at ipapakita nya naka park na kotse nya. Ano yun? Nag commute sya papuntang resto? Okay lang sana sakin yang mga networking na ganyan kaso sana wag gawing patibong yung word na "Date"
Paasa eh.

Medyo halata nanga nila na inis nako sige 'be the, be the' (bida bida) pa si kuya sa kotse at sa kikitain.
Hindi ko alam kung trip talaga ng ex ko maging open-minded sa business o trip nya lang bumawi sakin.

Chino
2011
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon