"Hindi ko alam kung katangahan ba oh sadyang ganun lang talaga ang kapalaran ko. Kahit anong gawin kong pag-iwas at pag-iingat, bakit madalas ganun pa din ang ending. Natatakot nakong maulit muli yung mga naranasan ko dati. Minsan gusto ko na lang maging manhid para hindi nako muling matakot at masaktan...
nang dahil lang sa katangian kong ""LAPITIN"" at mabilis ma-""FALL.""
Sino ba kasi nakaimbento ng hagdan, kaloka, lahat na lang yata ng lugar na napuntahan ko na may hagdan gumulong nako or lumipad. Mapa-akyat or pababa pareho pa din. Sa FEU bawat building yata naexperience ko nang mahulog or madulas sa hagdan, ARH, NRH, Engineering Bldg. SB etc.. Minsan kahit masakit talaga nakikitawa na lang ako sa mga nakakakita, minsan padeadma effect, diretso pa din ang lakad kahit gusto ko nang umiyak sa sakit.
LRT and MRT stairs, hindi ko din pinalagpas ang mga yan, pati sa inuupahan naming apartment nasubukan ko na din yun. Mas malala, pati sa ibang bansa nadala ko pa din ang katangian/katangahan ko na mabilis ma-FALL.
Hindi lang ako sa hagdan madalas ma-FALL.Sabi nga ng pamilya ko kung may ""Accident Prone Area"" ako yung tinatawag na ""Accident Prone Person"".
Mula pagkabata hindi ko na din mabilang if ilang disgrasya na ba inabot ko. Nahulog nako sa puno, nahulog sa bisikleta, nahulog sa sasakyan at nabalian, nahulog sa isang butas, nawalan ng balanse at ang binagsakan burb wire lang naman. Daig ko pa nagpenintensya sa karlit na inabot ko sa mukha at katawan. Ilang pilay galos, at sugat na inabot ko, unfortunately hanggang ngayon ganun pa din ako.heheh
LAPITIN din ako... lapitin ng mga mandurukot at snatchers. Bags, wallet, earrings, cellphone, hindi ko na matandaan if ilang beses na ako madukutan or maagawan ng gamit. During college pa lang quota nako, pati ba naman ngayon na nagtatrabaho nako, juiceko lord over-quota nako.
Pero hindi yun ang problema ko... Ang problema ko is kung gaano ako kabilis ma-FALL sa hagdan at sa kung saan-saan, kabaligtaran naman sa PAG-IBIG. Until now at my not so young-age, hindi ko pa naranasan ang ma-FALL-in-LOVE.
LAPITIN naman ako ng mga manliligaw since elementary and hanggang sa ngayon. May mga gwapo, mababait, mayaman and may mga maayos na buhay naman yung mga naging manliligaw ko, hindi lang dito sa pinas pero pati mga taga-ibang bansa. Lawyer, cpa, businessman, seaman, simpleng tao at may prof din ako from FEU na nanligaw sakin (nanligaw sya formally after graduation). Pero bakit ganon wala pa din ako maramdaman, minsan tinanong ko na sarili ko baka tomboy ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi, kasi hindi din naman ako na-inlove sa mga girls and hindi ko din ma-imagine ang sarili ko na makarelasyon and makipaglove-making sa kanila.
Sana dumating na yung time na maLAPITAN at ma-FALL ako... sa tamang lugar, tamang pagkakataon at sa tamang tao."
Accident Prone Person
2005
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
LosoweIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3