FEU

432 7 0
                                    

"Last year. (2014)

Huminto ako. Napaupo nalang ako. Galing akong mapua. Putangina pagod na pagod ako. Pawis na pawis ako. Iyak lang ako ng iyak. May lumapit sakin. Feu boy.

FB: ate? Okay ka lang? (Binigyan ako ng panyo)
M: thank you. (Iyak pa din ako ng iyak)
FB: anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?
M: hinila kasi ako ng dalawang lalaki kanina pinipilit nila kong isakay sa taxi. Buti nakatakbo ako. Pagod na pagod na ko.
FB: huh? Natandaan mo ba yung plate number!? Saan ka ba galing??
M: hindi. Walang plate number yung taxi. Galing ako sa intra sa mapua. Pinuntahan ko yung boyfriend ko. (Lalong lumakas yung pagiyak ko)
FB: oh!? Eh asan yung boyfriend mo? Bakit ikaw nalang mag isa??
M: pag punta ko kasi dun nakita ko magkasama sila ng ex nya. Gusto ko sana syang i-surprise kasi anniversary namin pero mali pala yung makikita ko.
FB: ayyyy tangina! Ate hindi ako masamang tao ha. Pero kung hahayaan mo ko gusto kitang ihatid. Eto id ko ate tapos pwede mong kunin tong phone ko habang hindi tayo nakakarating sainyo para makasiguro ka.
M: thank you.

Hinatid nya ko sa dorm ko. Gusto ko pa sana syang pagkapehin makabawi manlang pero sabi nya next time nalang daw pag close na kami. Hiningi nya nga pala number ko, ittxt nya nalang daw ako para pag may kailangan ako isang txt lang sakanya makakatulong daw sya.

Tinatawagan ako ng boyfriend ko. Mag eexplain daw sya. Hindi nya pa din alam yung nangyari sakin. Hindi ko sinasagot hinyaan ko lang. Hinayaan ko muna na lumipas yung sama ng loob ko. Pagod na din ako. Tinext din ako ni feu boy. Oo nga pala IAS si feu boy.

""Hey j**, si j***** to. Itext or tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ha. Pahinga ka na.""
""Thank you. Sige. Pahinga ka na din alam ko pagod ka din. Utang ko sayo to. Salamat talaga.""

Kinabukasan, papasok na ko sa school tapos nakita ko yung boyfriend ko na may dalang flowers. Hinarang nya ko.

B: baby, let me explain. Hindi ganun yun kung ano man yung nasa isip mo. Please baby.
M: pwde ba? Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak? Muntik lang ako mamatay pero hindi pa ko patay.
B: huh? Anong muntik mamatay?

(Paparating na pala si feu boy nun hindi ko napansin.)

FB: hoy. Gago ka no? Alam mo bang muntik ng mapahamak yang girlfriend mo? Buti nalang nakita ko sya.
B: sino ba to? Ano ba pinagsasabi nya? Ano bang nangyari?
M: j*****, ako na bahala dito. Thank you. Kita nalang tayo mamaya.

Nagusap kame ng boyfriend ko. Sinabi ko saknya lahat. Nag explain din sya sakin. Yung ex nya yung pumunta dun nakikipagbalikan skanya. Pero hindi naman nya pinatulan. Sorry sya ng sorry sakin. Kasi dahil daw saknya kung bakit nangyari yun sakin. Hindi nya daw mapapatawad yung sarili nya kung may nangyari sakin na masama.

Nakipagkita ako kay feu boy kasama yung boyfriend ko. Nagpasalamat sakanya yung boyfriend ko. Kinuwento ko sakanya yung napagusapan namen ng jowa ko. Agree naman sya.

Simula nung araw na yun hanggang ngayon, naging magbestfriend kame ni feu boy. Tinuring ko syang parang kapatid. Sobrang laki ng utang na loob ko sakanya kasi tinulungan nya ko. At hindi nya ko hinayaang mapahamak kahit kelan.

Sana hindi lang sya yung taong ganito. Sana marami pa. At sana din mag ka girlfriend na si feu boy! Hahahaha

Sorry kung mahaba. Thanks sa mga nagbasa! smile emoticon"

Feu Girl
2012
Institute of Tourism & Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon