Plug

353 5 0
                                    

"Okay guys. Maintain nyo lang yung peace.

Pinaka common na tinatanong sa universe at kay lord:

Kailan ba ako makakakuha ng ka-sparks? Ng forever? Ng makakasama mo na okay lang kahit umutot ka sa mukha nya. Labs labs ka pa rin nya

Ito ay pinamagatang.
Starting a spark 101

(Kadalasan ng tips dito eh panlalake kasi malamang lalake ako)

1. The payong technique
Requirements: payong (malamang) pwedeng isa, dalawa. Pero sa tingin ko mas effective yung dalawa
Requisites:
Umuulan (malamang)
Dapat wala syang payong (bihira ang walang payong na babae)
Mag isa lang si target (sasabit ka pag may syota yan pero okay lang)
Tignan kung badtrip sya dahil umuulan o dahil sa usok ng yosi o dahil may iniintay sya.
Procedure:
Lapitan
Alukin ng payong at sabihing
""Ate, payong o gamitin mo muna. Hindi naman ako nagmamadali e. Balik mo nalang pag okay na""
(Pwedeng ibang rason tulad ng: di naman ako nagkakasakit pag nababasa o dyan lang ako naka dorm. Isip ka ng sayo kasi baka mabasa ni target to)
Rationale:
Kaya dalawa ang payong mo, kasi nga ibibigay mo yung isa.
People be like: ""mas maganda pag isa lang para tabi kayo""
Tanga. Ang pinakamagandang result lang non is lalabas ka dito sa feusf. Yung phrase na ""ibalik mo nalang"" ay dalawa ang purpose: (a) para ibalik nya yung payong mo (b) para kunin mo yung number nya para macontact mo sya para mabalik nya yung payong mo. (You're welcome) pagkatapos non diskartehan mo na. Kain. Sabay uwi. Etc. Note: hindi dapat s*x ang intention. Be gentleman saka man up. May mapapasukan din yan sa tamang panahon

2. The panyo technique
Requirements: panyo. Mabangong panyo hindi yung panyong amoy pamunas ng lamesa ng jollibee
Requisites
Umiiyak ang target
Procedure:
Alam nyo na to e. Bigay mo yung panyo. Pero mas sweet kung ikaw mag pupunas. Nuks. Itanong kgentleman umiiyak. Kung sasabihin. Listen. Wag magbigay ng payo. Di ka dj sa radio. Offer some water. Yung sa 7/11 galing hindi yung tig 10 lang sa tindahan ng burger.
Important questions
""Okay ka lang ba?""
""Kaya mo pa ba?""
""May magagawa ba ako para gumaan pakiramdam mo? Mag jojoke ba ako o sasayaw?""
Tap her back. Make her feel comfortable
Note: wag sparks agad ang unang motive. Makipag kaibigan. Be gentleman.
Rationale:
Umiiyak sila kasi malamang. Mahirap yung pinagdadaanan nila. Yung malaman nila na sa oras na kailangan nila na mapaglalabasan ng sama ng loob. Andun ka. Kahit di kayo magkakilala (lalim wiw)

Pero tandaan. Maging malinis ang intensyon. Kahit pogi ka kung manyak ka. Wala rin.

Mahaba na. Inaantok na rin ako. May mga techniques pa kong tinatago na pwede ma apply sa loob ng klasrum. Sa jeep, fx, bus, tindahan, comshop, sa pa photocopyhan, sa canteen at library. Ang pinakatamang timing lang eh pag naging present lahat ng requisite. Okay?"

Mister Wasabi
2011
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon