Baby, alam mo kahit minumura at sinasampal mo ako kapag galit ka mahal parin kita. Wag ka naman sanang magalit kung minsan tinatanong kita kung sino ang mga nakakasama mo, hindi dahil sa wala akong tiwala pero gusto ko lang naman kasing makasigurado na parati kang safe sa mga makakasama mo. Sana rin wag mong masamain kapag pinag babawalan kita umuwi ng late kasi natatakot lang ako sa masamang mangyayari sayo. Baby mahal na mahal kita at hindi ko kayang masaktan ka.
At buti nalang nagkabati na tayo nung pinag sabihan kita na wag masyadong iinom sa club. Sabi mo wala akong pakialam. Pwede ba naman yun? Alam ko kasi ang pag iisip ng lalaki kapag may lasing na babae. Hindi pwedeng hindi ako makialam kasi girlfriend kita. Pano nalang kung may mang abuso sayo dun diba?
Sabi ko nga sasamahan kita ayaw mo naman. 😔
Ngayon galit ka sakin dahil nung tinatanong ko kung sino ung Honey Mark na tumatawag sayo akala mo agad pinagdududahan na kita. Naniniwala naman ako sayo na bakla yun eh. Sana wag ka naman magalit na sa akin pangako hindi ko na papakialaman ang cellphone mo.
Baby alam mo tapos ko ng gawin ung lyrics ng kanta na ginawa ko para sayo, ginagawan ko na siya ng tunog sa gitara ko. :">Mahal kita baby kahit anong mangyare, mahal kita. Sayo lang ako nainlove ng ganito. Ingat palage ha. I love you.
Sana mabasa mo 'to. Naka like ka sa page nyo na to eh. Hihihi
Archer love tamaraw
COB 111
Other
De La Salle University
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3