Di ko na kinaya

611 5 0
                                    

Ayon sa isang professor ko nasa 40-50 thousand ang sweldo nila per month hindi pa kasama ang allowance sa whiteboard pen, sa eyeglass at kung anu ano pang bonuses from FEU officials. Tapos may isa akong prof na pinapasweldo ng ganyan ka laki pero nuknukan ng tamad. Naturingang graduate ng Ateneo at MD sa UP. Ang eksena tuwing klase eh magpapakuha siya ng libro, mag bibigay ng page, hahayaan kaming mag basa, minsan magpapa report, habang siya, nag ce-cellphone. Entire 1hr and 30 mins na ganon. As a scholar and running for honor student ginagawa niya kaming bobo. Ayaw kong grumaduate ng mangmang sa subject nya ng dahil sa kanya. Hindi nalang kami umiimik noong Prelims and Midterms kasi natatakot kaming i-singko kami at mawala ang scholarship.

Finals hindi ko na talaga kinaya.

Prof: Get a piece of paper, may quiz kayo.

Us: Ha? Ano pong topic? Wala naman po kayong sinabi last meeting.

Prof: Problema ko pa yun?

Ako: Wala po kaming idea kung anong isasagot sa quiz nyo dahil hindi naman ho kayo nag tuturo.

Prof: Sino ka para pag salitaan ako ng ganyan?

Ako: Isang estudyante na pinagsisikapang makapagtapos. Anak ng isang jeepney driver at housewife na ginagapang ang pag aaral ko para mabigyan ako ng magandang edukasyon. Na sa subject nyo kahit kailan hindi namin nakuha sa inyo.

Prof: Kini-kwestyon mo ako at pag tuturo ko? Minamaliit mo ako? Ganyan ba ang isang iskolar?

Ako: Hindi ko ho kayo kinikwestyon at lalong hindi ko kayo minamaliit. Oho, isa ho akong iskolar at pinaghihirapan ko ang pag aaral ko para hindi makapag bayad ng malaking matrikula. Sinisikap kong ma-maintain ang mataas na grado at hindi lang grado, pati narin ang edukasyon. Hindi ho ako tamad na estudyante na mataas na grade okay na, mas gugustuhin ko hong magkaroon ng mababang grado basta natuto ako sa subject na inaaral ko.

Prof: Pagkatapos ng pambabastos mo ngayon, sa tingin mo bibigyan pa kita ng gradong magpapanatili sayo sa scholarship mo?

Ako: Hindi ko ho kailangan ng mataas na grado mula sa isang tamad na guro katulad ninyo. Mataas po lahat ng grado ko sa inyo simula palang ng prelim, kaya kung magiging singko ang final grade ko alam ho namin ang pinag basehan nyo. Karapatan ho naming mag reklamo, samin ho galing ang sinusweldo nyo.

Nag walk out si Prof. Nag palakpakan lahat ng mga kaklase ko. Pero guilting guilty ako sa nagawa ko. Hindi tama. Pinairal ko ang galit at emosyon.

Simula noon palagi ng absent ang prof namin sa klase. Isa at huling exam sa finals ang ibinigay niya samin lahat kami pumasa. Hindi pa siya ang nagpa exam kundi co-professor niya. Hindi niya ako binagsak. Pero the fact na wala akong natutunan sa subject yun ang masaklap para sakin.

Iskolar
2008
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon