"Dumaan ako sa harapan ng bahay nyo kanina, naalala na naman kita. Lumabas ako, at sinuri ko ulit kung totoo bang hindi nakasara ang ilaw sa kwarto mo. Bakit kaya? Gumagawa ka kaya ng assignment? O nag-oomegle ka ba? O sumasayaw ka mag-isa? O nakahilata ka lang at nilalabanan ang katamaran mo?
Nang bumalik na ako sa kotse ko, naghintay ako ng ilang minuto. Pinaandar ko na lang ulit yung kotse ko noong naalala ko na wala na palang papasok na babae't magrereklamo kung bakit hindi ako gentleman. Syempre, babawi ako at ikakabit ko ang seatbelt mo. Hahalikan kita sa noo, at magrereklamo ka kung bakit ang dali kong pagandahin ang maganda mong araw.
Bea, nagyosi ako kanina. Akala ko, may babaeng sisigaw at aapakan yung sigarilyo ko, tulad noong una nating pagkikita. Sino nga bang niloloko ko? Tinapon ko na lang rin ang sigarilyo ko, wala rin namang pipigil sakin eh. Wala rin namang magrereklamo at sasabihing, ""Hindi mo ba ako mahal, ha? Bakit ka nagsisigarilyo? Ha? Gusto mo masira lungs ko? Gusto mo mamatay ng maaga? Ha?"" Syempre, magwowalk-out ka at susuyuin kita sa pinaka sweet na paraang kaya ko.
Bea, alam mo bang nagkakasakit na ako. Wala na akong gana kumain, wala na akong ganang pumasok. Bea, sorry na. Pero diba pinangako mo sa akin na magiging nurse kita, at aalagaan mo ako tuwing may sakit ako? Bea, gamutin mo naman ako oh. Unti-unti na akong namamatay, kailan ka pa ba dadalaw ulit sa bahay at sasampalin ako kasi napakapabaya ko?
Sorry sa lahat. Avid reader ka dito diba? Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita, mahal na mahal kita. Sana, hinayaan mo muna akong magpaliwanag nung araw na 'yun. Pero siguro nga, tama sila. Kailangan mo rin ng oras. Kailangan natin yun. Napakarami ko ng pagkakasala sa'yo. Pero pakibilisan ah, unti-unti na akong naghihingalo para mabuhay."
Popoy
2013
Other
UPD
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RastgeleIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3