Tips para sa mga loner

322 3 1
                                    

"So eto legit to, dahil ako mismo sa sarili ko loner ako sa campus, pero hindi ako yung api type ng loner, ako yung tipo na niyayaya gumimik ng buong klase halos araw araw pero ayoko kase alam kong malakas ang impluwensya nila, ako yung tipo ng loner na favorite ng mga prof, ako yung tipo ng loner na hindi weird at hindi corny pumorma. Sa totoo lang mas ginusto ko talaga maging magisa kaysa may kaibigan sa college, ayoko kase ng impluwensya at higit sa lahat ayoko ng hut*nginang nangongopya! Sa mga kaklase ko kase walang matitino, puro jejemon. Pero napakafriendly ko nung highschool, kame ng barkada ko sikat sa school non, ako pa pinakanakakatawa. So eto na nga, tuturuan ko kayo kung pano umasta katulad ko!

1. Ayusin ang kilos! Magisa ka na nga lagi ka pa nakayuko, lagi pumipikit pikit yung mga mata mo, laging kubado, pag naglalakad napakabagal, dyan nag uumpisa pambubully. Wag kang mukhang tanga. Astigan mo lang lakad, pag papasok ng room kunware wala kang pake sa mga nakita mo, deretso upo, tanggal headset, kuha phone, astigan mo lang.

2. Lagi kang magheadset. May tugtog man o wala, para kunware wala kang pake sa mundo.

3. Pumorma ng maayos. Hoy hindi porket magisa ka di ka na makikiuso! Aba gumawa ka na din kaya ng sarili mong planeta.

4. Pag kinausap ka, kausapin mo din, pag may nakasalubong ka at nginitian ka, ngitian mo din. Wag kang pabebe!

5. Mag aral ng mabuti. Mag isa ka lang kaya mahihiya kang magtanong ng mga assignment sa iba kaya dapat lagi kang nakikinig. Pag lagi kang nakakasagot mabilis kang matatandaan ng prof, laging ikaw ang hahanapin at imemention sa class, kaya yung mga classmate mo iisipin na hindi ka loner, kundi astig ka lang talaga.

6. Pag walang ginagawa sa room, wag kang magmasid masid, mukha kang abno. Balik mo headset, ub ob muna or magcellphone ka.

7. Pag naglalakad sa pathway or hallway wag kang parang lutang, ang bagal bagal tapos may kinakalikot pa sa kamay. Bilisan mo paglalakad, straight lang ang tingin, para isipin ng mga tao na lagi kang busy.

Dagdag: wag mong isiping forever alone ka dahil walang forever!"

EMONG
2013
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon