Si lolo ko 88 na at si lola ko 87. May sakit na ang lola ko at hindi na makakilala ng mga tao sa paligid niya. Kahit ako na paborito niyang apo hindi niya na ako kilala.
Dumating si lolo at ang iba kong relatives galing US. Nag decide kasi silang dun ipagamot si lolo kaya almost three years na silang hindi nagkikita ni lola. Sa airport pa lang nung sinundo namin si lolo, ang lola agad ang hinahanap niya. Kahit sa kotse bukang bibig niya si lola. Halatang halata kay lolo ang pagka miss niya sa asawa niya. Hanggang sa dumating na kami sa bahay..
Inilabas ni lolo ang isang box ng tsokolate galing sa bag niya at ibinigay ito kay lola.
*niyakap ni lolo si lola*
Lolo: Ang paborito mong tsokolate o. Naaalala mo pa ba ako?
*naiiyak si lolo pati narin kami habang pinagmamasdan sila*
Lola: Ah, eh. Sino ka ba?
Lolo: Ako to si Ferdie, yung mahal mo.
Nagulat kami ng mapaiyak si lola, bumangon at niyakap niya si lolo.
Hindi kami makapaniwala. Si lolo lang ang naalala niya saming lahat. ❤Grabe. Naluluha kami nung mga oras na yun. 😭
Hay. We get old and might forget people around us. But we cannot forget the person we loved for a very long time. Our brains might not work as properly as before, but our hearts work as it is.
Apo
2012
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
De TodoIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3