Bwisit!

338 3 0
                                    

Naiwan ng kuya ko yung facebook nyang naka log in sa laptop namin. E epal na kapatid ako kaya kinalkal ko. Gusto ko din kasi malaman kung paano siya nambi-breezy sa mga babaeng pinopormahan nya. Kaya scroll down scroll down ako sa messages nya.

Nagulat ako dahil nakita ko yung pangalan ng boyfriend ko. So agad agad kong binuksan.

Etong kuya ko may balak ata palitan si Ninoy sa sobrang mukhang pera.

BF ko: Hi po! Pwede ko po bang dalawin si *my name* sa bahay nyo?

Kuya: Oo naman basta 500 kada tatlong oras na dalaw. 1000 naman kapag nag extend sa limang oras. Dalawang libo kapag anim na oras. May curfew din kayo na hanggang 8 dapat maihatid mo siya sa bahay dahil may multa kang 5000 kapag na-late siya ng uwi kahit isang minutong late pa yan.

BF: Ah sige po.

Kuya: Wag mong sasabihin sa kanya kundi hindi kana makakatungtong dito gugulpihin pa kita! Iba ako magalet!

BF: Opo.

Kaya pala parang bespren na bespren at close na close sila ng kuya ko at pinagtitimpla pa kami ng juice kapag nandito boyfriend ko yun pala pinagkakakitaan nya ung boyfriend ko. T*ng inang yun. Kaya pala palagi na akong niyayayang lumabas ng boyfriend ko kasi pinag babayad pala siya kapag nandito siya. Daig pa computer shop na per hour. Hayop! 😤

Kapatid
2012
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon