"Akala ko noon, mga babae lang ang pwedeng masaktan physically sa isang bayolenteng relasyon. Akala ko noon, kwentong barbero lang na nabubugbog din ang boyfriend ng kanyang girlfriend. Pero noong naging GF ko siya, dun ko napatunayan na totoong may battered boyfriend pala. Napaka-selosa niya pero napaka lambing din naman. Di ko lang talaga maintindihan kung bakit kapag nagagalit siya ay kailangan niya akong saktan. Sobrang gusto ko na siyang patulan at saktan din pero alam kong kapag ginawa ko yun, baka mawasak ang mukha ng syota ko. Besides, hindi rin kaya ng kaba-kaba ko na saktan ang isang babae much more kung mahal ko siya. Umiilag na lang ako hangga't kayang umilag sa pananapok niya pero minsan may nakakalusot din. Minsan inambaan ko siya ng suntok pero hindi ko maituloy instead niyakap ko na lang siya ng mahigpit para hindi na niya ako masaktan. Mga girls, kahit anong bait ng boyfriend n'yo may hangganan din. Kahit minsan kami ang may kasalanan, hindi dapat kayong manakit kase sigurado ako, hindi lahat ng lalaki ay kayang magpigil ng sarili tulad ko. Anyhow, hindi kami nagkatuluyan kase hindi ko makita sa relasyon namin that time na magiging peaceful ang pagsasama namin kaya I decided na kahit gaano ko siya kamahal, I have to let her go. AYOKONG MAGING BATTERED HUSBAND IN THE FUTURE.
Di ko na alam kung nasaan na siya, pero I am hoping na she is having a wonderful married life and a happy family of her own."
Andres Bonifacio
1982
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3