Signs

373 9 0
                                    

I really believe in signs. Every decision I made and will make, I always rely it in signs. That's what my grandma's advice before she died.. "Whenever you're unsure, ask for a sign.."

My friend asked me to go with her. Nood daw kami ng game ng crush nya. Wala naman din akong gagawin kasi kakatapos lang ng exam so sumama ako.

Habang nanonood, bigla nalang naaninag ko ang isang lalake. Nag ii-slowmo ang paligid. Parang may malakas na hangin na umiihip sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga paru-paro sa sikmura ko. Ang weird. Never felt this feeling before. Sobrang stunning niya. 😍 Napa tanong tuloy ako kay God..

"God, siya na ba? Bigyan mo ko ng sign please."

Nang..

Nang...

Nang biglang nasapul ako ng bola sa ulo.

Parang naalog ung ulo ko at lumabas ang utak ko mula sa bibig ko sa sobrang lakas! Hilong hilo ako at namalan ng malay.

Pag mulat ko si cutie guy ang unang mukhang nakita ko. 😍

"Miss, miss, okay ka lang? Sorry.. Sorry talaga. Di ko sinasadya."

Imbis na magalit ako, napa ngiti ako..

Hawak hawak kasi nya yung pisngi ko eh.. *kinilig tuloy ako*

At dun nag start ang lovestory namin.

SALAMAT SA RUMARAGASANG BOLA!
SALAMAT LORD.

After ng game nila niyaya nila kaming kumain sa labas.

Habang kumakain kami natutulala ako sa kanya. Habang nag kukwento siya wala akong naririnig. Parang ang tahimik ng paligid. At tanging siya lang ang nakikita ko. Ang alam ko lang ng mga oras na yun puro tanong ang nasa isip ko.. "Bakit may anghel sa harap ko? Bakit ang perfect mo?" 😍

Pag tapos kumain nag hiwa-hiwalay na kami. Kanya kanyang uwi na.

Habang nag hihintay ako ng jeep biglang may nag tap sa balikat ko. Pag lingon ko, nakita ko ang isang bulaklak na hawak hawak ng isang kamay mula sa likod ko. At pag talikod ko, nakita ko siya. Si cute guy.

"Hatid na kita" sabi niya.

Ako: Huh? Cavite ka pa ah, malayo ang makati sa cavite.

Siya: Sus! Malapit lang yun! *sabay ngiti at kindat* 😉

Ako: ... ah sige. ikaw bahala ha.

(Deep inside: OMAYGOSSHHH! ENEBE!! 😍 KESHE NEMEN EH! WAG MO NGA KONG NGININGITIAN JAN! NAIINLOVE AKO EH! KEYNESH KAA!😍)

Hinatid niya ako hanggang sa gate ng bahay namin. At nung nagpapaalam na 'ko..

Ako: Thank you ha. Ingat ka sa byahe!

Siya: Wala yun. Ikaw din ha? Ingat.

Ako: Okay. Thanks. Bye.

Siya: Mmmmm.

Ako: Bakit?

Siya: Ah wala wala. Hmm.

Ako: Sige bye.

Siya: Bye.

(Pero hindi parin siya umaalis)

Ako: May sasabihin ka pa?

Siya: Hmmm..

Ako: Ano?

Siya: Pwede bang dumalaw dito? Okay lang ba?

Ako: Ahh. Sure! Sige. Ikaw bahala.

Siya: YESSSS! Sige. Ingat. Bye. (ngiting tagumpay) 😁

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon