Muntik na magka-forever

338 1 0
                                    

"Kaway kaway sa mga estudyanteng araw araw sumasakay ng jeep!

Throwback to when I was still in college. Freshman year, first sem yun, may madalas akong makasabay na FEU tech (formerly FEU EAC) student sa jeep. Minsan kasabay ko siya papasok ng school, minsan naman pauwi. Ewan ko, pero same kami ng pasok, lalo na kapag TF! 9AM classes namin tapos uwian ko 4:30 and siya din ata dahil nakikita ko siya sa sakayan around 5pm. Ilang beses kami nagkakasabay until one day, biglang umulan ng malakas nung nasa bandang españa na kami. Katabi ko siya and nakita kong umiiling iling siya, sabi ko, ""kuya, late ka na?"" Nagulat siya then sumagot, ""ah, hindi, wala kasi akong payong."" And syempre meron akong payong, so di ako naghesitate na isabay siya since same school naman kami.

Di kami nagusap masyado habang naglalakad pero nalaman ko yung name niya and course. Itago natin sa pangalang Mike at IT siya nun. But unfortunately, di ko nasabi name ko kasi late na ko so paghatid ko sa kanya sa bldg nila, tumakbo na ako.

Few weeks have passed, nakasabay ko siya ulit. Nagulat ako nun kasi matagal tagal din nung huli ko siyang nakita. Finally, he asked for my name, and nagpasalamat siya sa pagsasabay ko sakanya nung umulan. Di ako nag expect ng kahit na ano pero niyaya niya ako sa jollibee! Dun sa tapat ng feu, kumain kami. Treat niya. Then i learned things about him. To make this short (kahit ang haba na, sorry)

Walang sparks. I mean, we became really good friends. Nagkakatext na kami at lumalabas minsan, pero ganun lang. Hanggang sa unti unti akong nagkakagusto sa kanya and hiniling ko nun na sana di mag grow into something deeper kasi alam ko na friends lang turing niya sakin.
Ilang buwan din kaming nagkakasama almost every day. Hinihintay na niya ako sa sakayan tapos sabay na kaming papasok sa school. May kopya pa ko ng COR niya.

Pero, not all good things last, i had to stop due to financial issues. Di ko na siya nakausap kasi nahihiya ako na ikwento sa kanya yung problema ng family ko sa pera. Kahit alam kong maiintindihan niya, di ko ginawa. Nahiya talaga ako.
We lost communication until after two semesters, nakabalik ako sa school. Nagkita ulit kami. Nalaman niya yung nangyari from one of our common friends na nasa EAC din. Di na niya ko tinanong pa about sa nangyari so tinuloy lang namin yung tulad ng dati.

But on his birthday, sinama niya ako sa bahay nila. Sabi niya ipapakilala niya ako sa family niya dahil kinukwento daw niya ko sa kanila, yung pagiging matapang ko at mabait, yung ugali ko na sobrang gusto niya. Medyo nag assume ako na baka yun na yung time na aaminin na niya na gusto nya rin ako.

Dumating kami sa bahay nila, simple lang yung buhay niya. Typical Filipino family sila. Nasa iisang bahay yung grandparents niya, even yung mga tita niya. Then pinakilala niya ako. Tapos nagulat ako kasi sabi ng lola niya sa kanya,

""Apo, pinakilala mo na ba siya kay _____?"" Napaisip ako, pangalan ng babae, parang may sumaksak sa puso ko. Sabi ko, ay alam ko na to. So tinanong ko siya, ""may girlfriend ka na?""

Di siya nagsalita. Tapos biglang may lumabas na babae sa isang kwarto, maliit na babae, may hawak na baby.
Hinalikan niya si Mike sa cheeks, sabay tingin sakin at sabi, ""oh, ikaw ba si Lyn?"" Tumango ako. Tapos nagsmile siya.
Then yung lola ni mike biglang nagsalita,

""Lyn, si ____ nga pala. At ito, si ____ baby nila ni mike.""

At doon, gumuho yung mundo ko. Di na ko nakagalaw at nakapagsalita. Nakatingin si mike sakin at nafeel ko na nahihiya siya. Ewan ko kung dahil sa maaga siyang nag asawa, o dahil alam na niya noon pa na gusto ko siya pero di ko sinabi.. At pilit kaming pinaglayo ng tadhana, di ko na nalaman kung alam niya ba, pagkatapos nun, umalis ako doon na di ko pinahalata sa kanila na sobrang nadurog yung puso ko.

After nun, nagfocus na ako sa pag aaral dahil nagti-thesis na kami. Habang si mike, aral sa umaga, trabaho sa gabi. Di na kami nakapagusap, biglang nawala na lang yung communication.

Siguro alam niya at naisip niya na yun ang tama para sa amin. Pero siguro baka wala na lang siyang nagawa... Ewan ko.

Ngayon, may boyfriend na ako at Nagtatrabaho na rin. Si mike? Di ko alam kung nasaan na siya. But i hope that he's happy, sana magkita kami ulit. Sana rin makita ko yung baby niya na kamukhang kamukha niya.

Hi mike, sorry di ko nasabi sayo yung feelings ko noon. Sorry din kung di ako tumupad sa pangako ko bilang kaibigan na kahit anong mangyari walang iwanan."

Lyn
2010
Alumni
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon