Michelle

737 10 1
                                    

(AN: Drawing ni michelle na laging naka smile. -HKGIRL00)

Ganyang ganyan ang mga ngiti niya noong una ko siyang nakilala.

Napaka masayahing babae niya. Marami siyang kaibigan. Maraming nagmamahal sa kanya dahil sa kabaitan niya. Hindi siya yung tipo ng babae na insecure. Hindi siya yung tipong suplada. Basta ganyan siya. Masaya. At gusto niya masaya rin ang mga tao sa paligid niya.

Siya yung babaeng masarap kasama. Hindi ka mabo-bored sa dami ng kwento niya. Hindi mo siya makikitang naka simangot o malungkot. Makita mo palang siya mapapangiti ka narin. Napaka ganda niya at ganun narin ang puso niya. Kaya ganon nalang siguro ako kabilis na hulog sa kanya.

Niligawan ko siya. Inalagaan. Minahal ng sobra. Pinasaya ng sobra. At ganun din siya sakin. Sabi ko pa sa sarili ko noon.

"Siya na talaga" "Siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." "Wala na akong hahanapin pa kundi siya lang."

Mahal na mahal ko si Michelle at siguradong sigurado na ako sa kanya kaya hindi ako nag dalawang isip ipakilala na siya sa pamilya ko. Mabilis napalapit ang loob ng mga magulang ko sa kanya kasi napaka bait niya. Tuwang tuwa ang parents ko sa kanya at palagi siyang hinahanap at kinakamusta sa akin. Nakakatuwa. Noon kasi tutol ang mga magulang ko na pumasok ako sa isang relasyon dahil estudyante palang ako pero kay Michelle? Nakakagulat dahil napalambot niya ang puso ng magulang ko.

Ang swerte swerte ko kay Michelle. Hindi kasi siya katulad ng ibang babae na moody, na demanding, na mataray at maarte. Simple lang kasi siya. At kahit sa simpleng bagay masaya na siya.

Dalawang taon naming hinintay na maka graduate kami. Plano na kasi naming mag migrate sa London kasama ng family ko. Dun nadin namin balak mag pakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Pero February 28, 2015 nasira lahat yun. Lahat ng pangarap namin gumuho. Lahat ng plano namin nawala ng parang bula.

Iniwan na ako ni Michelle.
Umalis na siyang mag isa.
Sumama na siya.

Namatay siya sa isang sakit na matagal niyang inilihim sakin.

May itinatago pala siya sa likod ng mga ngiti niya.

Sa haba ng panahon naming nagsasama inilihim niya sakin yun para hindi ako masaktan. Ang saya saya kong nagpaplano ng mga bagay na gagawin namin kapag nakapag tapos na kami. Habang siya tahimik at naka ngiti lang. Alam niya kasi na hindi matutupad ni isa dun.

Ang unfair noh?

Ang unfair. Sobrang unfair.

Ngayon isa na lamang ala ala si Michelle. Pero yung mga ngiti at masasayang sandali naming dalawa, mananatili parin sa puso at isip ko.

Mahal na mahal kita Pandak, alam kong masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Matagal kong hindi natanggap pero ngayon okay na ako.smile emoticon

Inunahan mo lang ako pero susunod ako sayo. smile emoticon Hintay ka lang. Diyan nalang natin itutuloy ang naudlot nating lovestory. I love you.

Rodney
201*
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon