Karamihan sa atin, naiinis at nagagalit sa mga pulitiko. Kesyo mga corrupt, mga magnanakaw ng pera ng bayan, ng taxpayers. Kesyo nakakahiya ang Pilipinas at kung anu-ano pa. Halos ayaw na natin pag-usapan at pagtuunan ng pansin ang pulitika, ang gobyerno dahil "paulit-ulit" at "walang pagbabago".
Lagi nating naririnig sa mga radyo, napapanood sa telebisyon, nababasa sa mga dyaryo at on line articles ang mga balita tungkol sa CORRUPTION. BIG WORD. Kapag korapsyon, pulitiko kaagad ang nakakabit na ideya. Hindi sa ipinagtatanggol ko sila, dahil naniniwala rin akong may katotohanan ang mga iyon, pero ni minsan ba naisip mong sila lang talaga ang dapat ituro at ang tanging may kakayahang gawin iyon? Ni minsan ba hindi mo naisip na kahit ang mga ordinaryong Pilipino ay nakikibahagi sa korapsyon nang hindi natin namamalayan?
Halimbawa:
1. Ikaw na isang estudyante, kailangan mo ng pera, pero kapag nanghingi ka ng SOBRANG baon para sa "project" at hindi naman pala totoo, hindi ba't bukod sa pagsisinungaling ay isa ka ring corrupt?
2. Ang mga guro lalo ng pampublikong paaralan, taun-taon nanghihingi ng electric fan at kurtina sa mga magulang ng estudyante bilang "proyekto" raw ng PTA. Baka yung electric fan, maintindihan mo pa dahil nasisira naman talaga yun, eh ang kurtina? Taun-taon ba dapat hinihingi? Taun-taon ba dapat na bago? Saan napupunta ang mga lumang kurtina? Inuuwi? Kapag ganoon, hindi ba't kurapsyon ding matatawag iyon sapagkat kinukuha mo para sa sariling interes ang bagay na pagmamay-ari dapat ng nakararami?
3. Ang mga tsuper ng jeep. Alam naman nilang 7.50 ang minimum fare pero lagi na lang kinukuha sa binabayad mo ay maliwanag pa sa sikat ng araw na OTSO PESOS. Kesyo walang panukli, kesyo maliit na halaga lang na kung tutuusin kapag naipon ay may kakayahang makabuo ng isa pang pam-pamasahe sa jeep o di kaya ay pandagdag sa babayaran mo sa susunod na sakay. Kung minsan pa, sila pa ang galit kapag kinukuha mo ang dapat ay sa iyo. Hindi ba't malinaw rin na pangungurakot ang gawaing ito? Isang uri ng kurapsyon.
4. Ang mga tindero at tindera ng baboy, isda, manok, gulay o kung anupaman sa palengke. Ipipihit ang mga timbangan para ang kalahating kilo ay maaaring maging isang kilo kapag tinimbang ang produkto, para mabilis at malakas ang pasok ng pera. Hindi ba't isa itong pandaraya? Hindi ba't isa rin itong corruption?
5. Ang mga "barker", mamang pulis, traffic enforcer, at kung minsan ay pati barangay tanod. Para makadaan ang isang pampasaherong sasakyan na minamaneho ng tsuper, kailangan may lagay? May kotong, dahil kung hindi, hindi na sya muling makakaraan doon at worst ay magulpi pa. Ang perang pinaghihirapan ng mga tsuper ay sapilitang kukunin ng mga "tamad" at "walang kaluluwa". Hindi ba't isa itong uri ng korapsyon?Ilan lang yang mga halimbawa na yan. Hindi ako nagmamalinis pero bakit ko nga ba sinasabi to? Dahil mahilig tayong magturo at manisi ng ibang tao. Mahilig nating tingnan ang dumi ng kapwa natin bago ang ating sariling mga dumi.
Huwag nating sabihin na dahil ang mga pulitiko ay mga corrupt, na sila ang nauna, kaya tayong mga ordinaryong mamamayan ng bansa ay ganoon din sapagkat hindi sila tayo at hindi tayo sila. Ang disiplina ay nagsisimula sa sarili at hindi sa ibang tao. Ang progreso ay nagsisimula sa ating sarili.
Siguro kung matitino tayong lahat, ramdam natin ang pag-unlad ng bansa. Siguro. Isang ideya na walang katiyakan at tila sa panaginip na lang maaaring matanaw.Saan patungo ang ating bansa? Tuwid na daan nga ba? Huwag mo munang itanong, dahil mas maganda sigurong itanong KUNG TAMA BA ang daan na "AKING" tinatahak.
Bago ko tapusin ito, nais kong linawin na HINDI KO NILALAHAT na ang mga binanggit kong "propesyon" ay pare-pareho PERO KARAMIHAN SA ATIN, GANYAN, pero aking nilalahat na sa kung anumang paraan, minsan na rin tayong naging corrupt nang maaaring hindi natin namamalayan.
Kuripot
2009
IAS
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
DiversosIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3