"Freshman student ako sa FIT, at nangyari ito nung first day ng NSTP namin. 1 PM kasi yung klase namin sa NSTP, quarter to 12 kami nakarating sa tech building at jusko, nasa may guard na ang pila sa elevator. Kaya ayun, no choice kami ng mga kaibigan ko na maghagdanan sa fire exit dahil ayaw namin malate sa first day.
Sa ninth floor pa yung NSTP namin kaya sobrang GG kami. Alam niyo yung feeling na pagod na pagod ka na, pero kinakaya mo pa ((yehes hugot pa)). Ganern, ganern yung feeling namin. Sa sobrang pagod, para kaming high. Tumatawa kahit walang pinaguusapan. Seventh floor na yata kami non? Nang biglang nahulog yung retainers ko sa sixth floor. Nagslow motion ang lahat, ang mga ingay ay humina, at ang paligid ay bumagal. Mga isang minuto siguro akong nakatayo dun, nagiisip kung kukunin ko pa ba, kasi bawat dadaan tinititigan yung retainers ko eh. Pero naisip ko na limang libo pagpapagawa ko nun, kaya kapit sa patalim nalang. Tinakbo ko, at nilagay sa bulsa ko ((jusko kadiri pero heller 5K yon)) at tumakbo ulit pataas.
Moral lesson : Lahat ng kasiyahan ay may hangganan, minsan sa may hagdanan.
I, Thank you."
Na-fall Siya
2015
Other
FEU Tech
BINABASA MO ANG
FEU SECRET FILES (FAN FICTION)
RandomIsa po itong fan fiction ng FEU SECRET FILES :) Inuulit ko po hindi ko po ito pagma-may ari . kina-copy paste ko lang po yung mga napo-post sa FEU SF sa fb :) Enjoy reading. <3