Sana lumandi muna ako

432 1 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano ako magku-kwento pero ike-kwento ko na.

Thursday, Aug. 13, 2015, nakita ko si crush na kulot sa gate 2.

Non-verbatim
Ako: Tara samahan natin siya. Lalandi muna ako kahit ngayon lang
Nene: Baka maubusan tayo ng jeep.
Napag-isip isip ko na oo nga mahirap sumakay. Next time na lang ako lalandi.

Fastforward
Nakasakay na kami ng jeep nung nakita ko si crush na kulot na pasakay sa jeep na sinasakyan ko. Doon siya pumwesto sa tabi ni manong. Kami doon sa tabi ng pinto(?) ng jeep. Edi akong walang love life na gustong lumandi eh tuwang tuwa. Sabi ko kay Nene, ""Tara lipat tayo doon sa likod ni Bebe ko. Gusto kong maranasang lumandi. Lalandi lang ako saglit. Dali na."" Syempre natawa lang siya. Hanggang tanaw na lang ba ako lagi? Doon ko naranasan yung so near yet so far. Buong biyahe nakatingin lang ako sa likod niyang mukhang masarap yakapin. Sa buhok niyang ang sarap paglaruan. Pero sabi nga nila lahat ng panaginip may katapusan. Bumaba na siya sa Tayuman. Saktong pagbaba niya may sumabit sa jeep. Hindi ko siya pinansin. Tuloy ang kwentuhan tungkol sa mga defense na parating at kung anong mga paghihirap ang meron kami ngayon nung biglang may pumara bandang Tecson. Kasabay ng pagbaba nung pumara ay ang paghablot naman nung nakasabit na mama sa bag ko. Hindi niya ata narinig yung mga problema ko kaya hindi siya naawa sa akin. Nakatitig lang ako sa tumatakbong palayo na si manong. Akala ko dati pag nanakawan ako wala lang sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga ganoong klase ng pangyayari. Ikaw ba naman mag-aral sa Recto. Pero sabi nga nila kahit anong paghahanda mo pag nandiyan na wala ka ring magagawa. Ngayon naiintindihan ko na yung feelings ng mga nananakawan. Nakakatakot. Nakakagulat. Nakatulala lang ako sa mga taong kumakausap sa akin. Hindi mahalaga yung pera. Mas mahalaga yung mga libro at mga handouts ko. Pero yung tipong nanakawan ka, nakakatakot lang talaga. Pag-uwi ko, napangawa na lang ako sa bisig ni ina. Lahat na ata nanginginig na sa akin dahil sa takot.

Kung sana lumandi na lang muna ako kahit ngayong araw lang. Edi sana masaya pa akong umuwi sa bahay. Ang daming nasayang. Nasayang na pagkakataon at nasayang na mga gamit. POTA! GASTOS NA NAMAN!"

MagamitSanaNgAnakMoAngAdvAccKo
2012
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila


FEU SECRET FILES (FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon