Chapter 1

1.4K 43 5
                                    

Hershey's POV

"Class dismiss."

Pagkasabi na pagkasabi pa lang ng teacher ko noon ay lumabas na agad ako ng classroom. Wala naman kasing reason para mag stay pa ako doon. Mas marami ang reason kung bakit ako lumabas agad. Marami pa akong gagawin.


Lumabas ako ng campus at parang takbo na ang ginagawa kong paglakad. Nakakainis ang last period Teacher namin, nag over time na naman. Nahirapan pa akong makalabas ng campus dahil sa sunod sunod na paglabas ng magagarang sasakyan na nagsusundo sa mga estudyanteng parang walang paa. Kahit naglalakad lang ako na traffic pa rin ako. Ang laki laki kasi ng school na to pero isa lang ang exit. Grabe.


Ng maka survive ako sa walang kamatayan na exit na 'yon, nakahinga ako ng maluwag. Hindi na rin ako naglakad pa. Tumakbo na ako hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko, sa coffee shop. Coffee shop na nagmukha ng mini school dahil puro estudyante ang laman, para silang nasa palengke na nagsisigawan. Pero kahit na ganon, halata naman na kaya nilang bilhin ang buong coffee shop na to. Kung titignan mo, halos ka-batch ko lang ang nagpupunta dito.


Pero hindi ako nagpunta dito para bumili ng mamahaling kape o kahit na ano pa mang available sa lugar na to. Nandito ako para magtrabaho. Ako lang naman kasi si Hershey Casple, hindi ako mayaman, maganda at sexy. Isa lang akong ordinaryong tao na umaasa sa pagta-trabaho at pagtya-tiyaga.



Hindi ako broken family, swerte pa nga raw ako na buo ang pamilya ko kahit na mahirap kami, pero mali sila. Kahit na hindi maganda sasabihin ko na, kung ako ang pa-pipiliin, mas gusto ko na na ako lang mag isa. Napaka swerte ko kasi sa pamilya ko. Si Nanay parang dalaga kung umasta, liban sa lagi siyang bumibili ng make up mahilig din siyang sumugal, si Tatay naman na parang carefree, happy-go-lucky kung baga, walang ka proble-problema, araw araw nag ce-celebrate kaya araw araw umiinom ng alak. Lumobo na ang tiyan kakainom. So ano ang swerte doon? E kung ako lang mag isa, mapagkakasya ko pa ang sweldo ko isang linggo, pero sila isang araw lang. Buti na lang at ako lang mag isa ang anak nila kundi madadagdagan ang gastos ko. Wala rin pareho silang trabaho. Kaya nga siguro pangit ako dahil sobrang hassle ng buhay ko.



Sa kabila naman ng kamalasan ko, siyempre mawawala ba naman ang swerte? Isa akong scholar sa isang High class na school. Take note, High Class ha? Ibig sabihin, doon nag-aaral ang anak ng may ari ng  malalaking building sa whole country, meron ding mga artista, at iba pa. Ako lang yata ang estudyante na walang maipagmamalaki maliban sa maitim at magaspang kong balat at kamay.


Madami ngang nagtatanong kung paano daw ba ako nakapasok sa High El Academy. Malamang may utak ako, pangarap ko kaya ang school na 'yan. Masaya naman dyan though hindi ako tanggap ng mga classmates and schoolmates ko. Kesyo ang baho ko daw e hindi maman talaga, ang pangit ko daw na inaamin ko naman na totoo. Hindi naman kasi katayuan sa buhay ang tinitignan pag nag-aaral ka, kundi ang kakayanan mo. Swerte din ako dahil ako ang nangunguna sa klase namin, siyempre may nga kontrabida na hindi tanggap 'yon kaya sinisiraan na lang ako. Buti na nga lang daw at trustworthy ako kaya hindi sila naniniwala sa mga naninira.


"Hershey! You're late." Napalingon ako sa nagsalita. Si Manager pala. Lagot na. Lagi na lang akong late at lagi na rin nag o-over time ang last period namin.


"Sorry po Manager, nag OT po kasi ang last period namin dahil sa pag re-review po saamin. Sorry po talaga." I said.

"You're always saying that! What are you doing?! Change your clothes and start your work! There's so many customer so you don't have to stand up there and watch them gone!! Hurry up!" Tuloy tuloy niyang sabi na parang mauubusan na ng hininga.


Napatango na lang ako at tumakbo ng mabilis papunta sa restroom. Kinuha ko sa bag ang apron and cap ko and sinuot ko 'yon. Hindi ko na kailangan na mag change clothes pa dahil hindi naman kami naka uniform sa High El at hindi rin kami naka uniform sa work. All I have to do is to remove ny Identification card and wear my cooking outfit, oh, it's not cooking outfit, waitress outfit rather. Ang tagal ko na kasing nagta-trabaho dito sa coffee shop na to pero until now hindi pa rin tumataas ang posisyon ko, walang promotion na nagaganap, hanggang waitress na lang yata talaga ako. 1st Year hanggang ngayong 4th year ako dito na ako nagta-trabaho. Maniwala kayo at sa hindi, hindi ko pa natitikman ang mga food and beverages nila dito. It's just because I don't have money, medyo may kamahalan kasi ang mga foods dito na hindi kaya ng bulsa ko. Hindi man lang nagpapatikim ang Manager namin dahil bawal daw. Ang weird nga, isang small cup of capuccino lang umaabot ng 250 pesos. Pambibili ko na lang ng bigas, ayon na ang pinakamurang ino-offer nila dito na food.


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon