Chapter 43

428 18 13
                                    

Ang weird. Ang weird talaga ng pakiramdam ko ngayon. Baka side effect lang ito ng pinapainom na gamot saakin. Sobrang weird naman kasi talaga.

Naka-upo ako sa dulo ng room namin katabi ko si Icen, pareho kaming tahimik, nakatingin lang kami sa malayo. Kanina pa ganito ang pwesto namin at wala talagang nagsasalita.

Naka-tingin ako kina Yowan at Irene na naka-upo sa pinaka-front desk habang nag-uusap sila. Kanina pa 'yang dalawa na 'yan. Hindi ba sila maghihiwalay? Kaninang pag pasok ko ng school sila na ang magkasama hanggang ngayong lunch ba naman?

Tumingin sa direksyon ko si Yowan kaya kaagad akong napa-iwas ng tingin. Hala. Baka akalain niya na tinititigan ko siya. Feeler pa naman 'to.

Bigla naman akong kinabahan ng makita ko siyang lumapit saakin, "Hershey." Sambit niya.

Napalunok ako, "H-huh? B-bakit?"

"Sabi ni tita Dayane isabay daw kita pauwi mamaya." Ayan lang ang sinabi niya at umalis na ulit. Nagpunta na ulit siya sa Irene niya. Edi magsama sila.

"Problema mo?" Bulong ko tsaka napairap.

Nakakainis naman yang si Yowan, lalapitan niya ako para sabihin lang 'yon? Kainis naman.

"Kailan pa sila naging magkaibigan?"

Bumalik ako sa diwa ko ng magsalita si Icen, "H-huh?"

"I mean, si Yohan at Irene, they look so close to each other. Kailan pa 'to?" He asked.

Nagkibit balikat ako, "Ewan ko. Ang pagkakaalam ko nga tayo ang bagong kaibigan ni Irene pero si Yowan ang kasama niya." Malungkot kong sabi. Tama naman kasi, hindi ba masaya pa si Irene kasi kaibigan na namin siya? Pero bakit si Yowan ang kasama niya?

"Hayaan mo na. Baka hindi lang siya sanay. By the way, hindi pa tayo kumakain, let's go? Kain na tayo kahit sa cafeteria lang." Tumayo si Icen tsaka niya hinawakan ang kamay ko kaya napatayo rin ako.

Naglakad kami sa harapan nila Yowan na magkahawak ang kamay pero napabitaw ako ng bigla kaming tawagin ni Irene.

"Icen, Hersh!" Sambit niya. Nilingon naman namin kaagad, "Saan punta niyo?" Dagdag pa niya.

Tinuro namin ang labas, "Magla-lunch." Tipid na sagot ni Icen at hinawakan naman ang braso ko. Naiilang ako sa pagkapit ni Icen pero ayaw ko naman siyang ipahiya kaya hinayaan ko na lang. Ewan ko ba pero ayaw kong nakikita ni Yowan na hawak hawak ni Icen ang braso ko, naiilang ako. Ang gulo ko rin.

Tumayo si Irene, "Hala, isama niyo naman kami. Hindi parin kami nagla-lunch." Nag pout pa si Irene kaya wala na kaming nagawa ni Icen.

Hinila niya patayo si Yowan at naglakad na kami papuntang cafeteria. Habang naglalakad kami, inopen-up ni Irene ang pagiging magkaibigan namin.

"Hmm. Icen, Hershey, pasensya na nga pala kung hindi ko kayo masyadong nakakausap kanina ha? Si Yowan ka-"

Hindi ko na siya pinatapos, "Okay lang. Naiintindihan namin." Sabi ko at hinila na si Icen para mauna sakanila.

Pagdating namin sa cafeteria, tahimik kaming kumain. Walang nagsasalita hanggang sa basagin ni Irene ang katahimikan.

"Ehem. Yohan, tuloy ba tayo mamaya?"

Napatingin sakanya si Yowan at tumingin rin siya sakin ng mabilis lang, "Oo naman." Tipid na sagot ni Yowan.

Ano bang meron sa dalawang 'to? Bakit bising-busy sila? Are they really dating? What the heck?

Puro kwentuhan lang si Irene at Yowan habang kumakain kami na parang silang dalawa lang ang tao sa cafeteria. Medyo sumama ang pakiramdam ko kaya tumayo ako at nagpaalam saglit sakanila.

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon