Chapter 23

439 22 2
                                        

Ang hirap naman ng gusto ni Yowan. Kailangan may consequences pa. Simple lang ang consequences, pero kung si Yowan naman ang mag uutos, malamang na mahirap. Kilala ng lahat si Yowan, mahilig mantrip, at ako yata ang number one target niya. So ano pang iisipin ko hindi ba? Pahihirapan niya lang ako. As if naman may magagawa ako. Actually, meron naman talaga, meron akong magagawa.. ang tanggapin na pahihirapan talaga ako ni Yowan.


Ang sabi ko lang naman sakanya e galingan niya sa music show, ibuhos niya ang best niya at h'wag ipahiya ang section namin, sinabi ko na rin na kung mananalo man kami, hiramin ko muna ang price at ibabalik ko rin naman. Ang kapal ko lang, sa kaaway ko pa talaga ako nanghihiram. Nakakahiya nga. Super.



"Ang tagal naman ng sagot mo. So ano? Payag ka ba?" Inip na inip na si Yowan sa isasagot ko. Bakit pa ba ako nag iisip? Oo rin naman ang bagsak ko.



Ang consequences ay, siya palagi ang masusunod at h'wag akong lalaban kapag may ginagawa siyang trippings saakin. Ayun lang. Ang dali lang. Ilang beses lang akong mapapahiya at masasaktan kung sakali. Kawawa naman ang pride and ego ko kung sakali.


"Okay deal. Pero sana, h'wag mo naman akong pahirapan. Intindihin mo ang sitwasyon ko ha?" Pinipilit kong maging kalmado kahit na kumokontra na ang nararamdaman ko.



"Very good. Uwi na tayo. Gabi na rin." Tama siya, gabi na rin at kami na lang yata ang naiwan sa school. "Ibalik mo nga pala ang mga gitara na ginamit natin. Pakidalian lang." Unang utos.



"Eh?! Bakit ako?! Ikaw naman! Ako na nga ang kumuha, ikaw naman ang magbali-"



"Unang utos pa lang halos lamunin mo na ako. Okay, hindi na ako sasali sa music show. Ikaw na lang, pero for sure hindi ka papayagan dahil by partner yu-"


"Okay. Wait me here in two minutes." Sabi ko na lang sabay hablot ng gitara sa kamay niya.



Hindi ko alam kung paano ko narating ang music room ng tumatakbo habang may hawak na mabigat na gitara sa magkabilang kamay, madilim pa ang dinaanan ko dahil nga gabi na, siguro adrenaline rush ang tawag dito. Talagang pahihirapan niya ako? Hindi ba siya naaawa?


Malayo pa lang ako kay Yowan, naririnig ko na ang pag count down niya. Talagang inorasan niya ako.


"7, 6, 5, 4, 3, 2, 1, 0.."



"Finish!!" Sigaw ko sabay taas ng kamay. Yumuko ako tsaka hinawakan ang nanginginig kong tuhod. Ngayon ko na naramdaman ang pagod. Ang layo pala ng tinakbo ko.


"Late ka ng 1 second. Siyempre may parusa."


Napaayos ako ng tayo. "Anoo?!! G-ganon lang may parusa na kaagad?!!" Seryoso ba siya? Talaga bang wala na siyang awa? Kung sakali mang yumaman ako, siya ang una kong gagantihan. Kumukulo ang dugo ko sakanya.



"Walang ganyan. Nagrereklamo ka yata e." Nang iinis pa. Ang galing niyang mang inis infairness.



"Eto naman. Sige, ano bang parusa?" Tulad ng lagi kong sinasabi, wala akong magagawa. Wala ngang kasiguraduhan na mananalo kami sa music show pero nag e-effort na ako na sundan tong si Yowan. Ang hirap naman.


"Uwi ka ng bahay ng nakatapak lang." Hindi nag sink in saakin ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?


"Nakatapak?" Pag uulit ko. Baka nagkamali ako ng dinig, parusahan niya pa ako ulit.


"Yes. No slippers. Okay ba?"


Kung hindi matibay ang ngipin ko, kanina pa nagtalsikan sa mukha niya ang mga to. Nangigigil na ako ha. Inis na inis na pikon na pikon na galit na galit na asar na asar na ako!! Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko! Hindi niya ba pwedeng dalian?!


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon