Yohan's POV
"Kamusta ka Hershey? Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Gutom ka ba? Bakit ngayon ka lang nagising?"
"May nararamdaman ka bang masakit?"
Hindi na alam ni Hershey kung saan siya titingin saaming tatlo nila Icen at Irene. Sobrang nag-alala lang kami sakanya kaya ganito kami magtanong. Pwera na lang kay Icen, mukhang hindi niya naman na-miss si Hershey.
"B-bakit tayo nandito? D-diba n-nasa subdivision ako nila tita Dayane? P-papaanong.. papaanong napunta ako dito?" Nalilitong tanong ni Hershey.
Ngumiti ako tsaka siya hinarap, "Ang galing no? Magic. Bigla kang nag teleport dito. Bilib din ako sa'yo, kahapon kapa natutulog tapos maggagabi na, ngayon ka palang nagising. Ganon ba kaganda ang panaginip mo?" Biro ko sakanya pero sana ma-gets niya na nawalan siya ng malay kagabi kaya siya nandito ngayo sa hospital.
Nag-iwas siya ng tingin saakin at mukhang nag-isip sandali. Ilang sandali rin, tumingin ulit siya sa'kin na may pagkagulat. Siguro ngayon lang nag sink-in sakanya lahat ng nangyari.
"A-ang natatandaan ko lang, umiiyak ako, nanghihina ang katawan ko, itinaboy ako ni tita Dayane, pagkatapos non, d-dumating ka, inilayo mo ako kay tita Dayane at.. at.. n-niyakap mo ako pagkatapos n-nawalan ako ng malay." Medyo mahina pa ang last sentence na sinabi niya dahil siguro nahihiya siya.
Teka lang! Hindi niya narinig ang sinabi kong last word sakanya kagabing nawalan siya ng malay?! Anak naman pala ng pulang tipaklong. Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya 'yon tapos hindi niya naman pala narinig?! Alam niyo yung effort? Nasayang lahat. Kahit na simpleng pag-amin lang 'yon mabigat na effort na para sa'kin 'yon.
Baka narinig naman ni Hershey at hindi niya nalang binanggit dahil nahihiya siya kina Irene at Icen? Sus. Nahiya pa 'tong ugly duckling na 'to. Ako? Kinakahiya niya. Kinakahiya niya ang guwapong kagaya ko?
"P-paano ako napunta dito? Alam mo bang kailangan kong kausapin si tita Dayane? Bakit mo ako nilayo sakanya Yowan? G-gustong gusto ko siyang maka-usap kagabi pero hinila mo ako pala-"
Hindi ko na siya pinatapos, "Sinabi ko naman sa'yo Hershey, okay na ang lahat, hinihintay ka na ng mommy mo."
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. May luha na naman na pumapatak sa mata niya pero hindi ko na lang pinansin. Lumayo ako sakanila at umupo sa couch sa loob ng room.
Kitang kita ko na kino-comfort ni Icen si Hershey pero wala akong magawa kundi panoorin na lang sila.
Naiinis ako.
Naiinis ako kay Hershey. Talaga bang hindi niya narinig ang last word na sinabi ko sakanya bago siya mawalan ng malay kagabi? Tsk.
"Hershey, h'wag ka ng umiyak, baka 'pag nadatnan ka ni tita Dayane na umiiyak baka paalisin niya kami dahil akala niya sinaktan ka namin. Tahan na." Malambing na sabi ni Irene kay Hershey at umupo sa tabi niya.
Humarap si Hershey kay Irene, "P-papaanong nangyari na naniniwala na si tita Dayane saakin? P-pinakita mo ba ang video?" Nagtatakang tanong ni Hershey.
Umiling si Irene, "No. Wala kaming ipinakitang proof kay tita Dayane. Sabihin na lang nating tinulungan ka ng kaaway mo." Tumingin saakin si Irene, "Tinulungan ka ni Yohan, sinabi niya lahat ang totoo hanggang sa maniwala ang mommy mo."
Tumingin din saakin si Hershey pero nawala rin agad ang tingin niyang 'yon ng magsalita ang epal na si Icen.
"Gusto mo bang kumain? For sure gutom ka na. Siya nga pala, nagpunta kanina dito ang nanay mo- what I mean is, ang nanay pala ni Danica. Umiiyak siya habang kinakausap ka niya. Mahal na mahal ka daw niya at mami-miss ka niya." Sambit ni Icen.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...