Chapter 47

457 17 4
                                    

Gumising ako ng maaga, naligo na rin ako at nag-ayos para sa school. Nagulat na nga lang ako dahil paggising ko wala na si Yowan sa kwarto, hindi ko rin siya makita sa buong bahay pero hindi ko nalang pinansin, baka umuwi lang siya sakanila.

Kinuha ko ang extra uniform at bag ko, kailangang pumasok ng school ni Danica, baka sakaling mabago niya ang buhay niya at nila nanay kung mag-aaral siya.

Dali dali ko siyang kinatok sa kwarto niya. Buti gising na siya, "Danica." Tawag ko.

Nag-aayos lang siya at mukhang aalis, "Ano kailangan mo?" Mataray niyang tanong. Isampal ko kaya sakanya tong uniform na hawak ko?

Pumasok ako sa loob ng kwarto at inilagay sa kama niya ang uniform at bag na hawak ko, "Mag-ayos kana para makapasok ka ng school."

Natigilan siya sa sinabi ko tsaka niya ako nginisian, "Huh. Nang-iinis kaba? Alam mo ba ang kalagayan ko ngayon? I don't have enough money para pumasok pa sa school, ayaw ko namang hingian si mommy dahil alam kong masama ang loob niya sa'kin. Pwede ba umalis ka nalang dito?" Inis niyang sabi.

Huminga ako ng malalim, "Nagta-trabaho ako, nagta-trabaho ako kay tita Sasha, yung sweldong ibibigay niya, ilalaan ko nalang sa pag-aaral mo, sobra na sa'kin ang binibigay na allowance ni mama kaya pwede ko ng ibigay sayo ang sweldo ko monthly. Ang sobra sa allowance ko binibigay ko kina nanay at tatay para sa renta ng bahay nila at monthly groceries. So, h'wag ka ng mag-alala, pumasok ka nalang sa school."

Tatalikod na sana ako pero bigla siyang natawa ng malakas, "Hahahaha! Hindi ko kailangan ng tulong mo Hershey. Naawa ka ba sa'kin? Kaya kong buhayin ang sarili ko ka-"

"Hindi kita tinutulungan dahil naawa ako sa'yo. Tinutulungan kita dahil naawa ako kila nanay at tatay. Isa nga pala to sa mga consequences sa pagtira mo dito, kung hindi ka papasok ng school, mabuti pang umalis ka nalang dito sa bahay."

Hindi ko na siya pinagsalita, lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba. Alam ko naman na gusto pang mag-aral ni Danica, wala naman akong paggagamitan sa sweldo ko kay tita Sasha kaya naisipan kong pag-aralin nalang siya.

"Hershey, kumain kana." Sabi ni mama.

Yumuko ako, "Sorry ma, hindi po ako makakasabay sainyo, nagmamadali po kasi ako, babawi nalang po ako mamayang dinner." Paliwanag ko.

Ngumiti si mama, "Ganon ba? Okay lang. Mag-ingat ka nalang."

Tumango ako at lumabas ng bahay ng salubungin naman ako ng driver ni mama, "Ma'am Hershey, hatid ko na po kayo sa school niyo." Pag pi-prisinta niya.

Umiling ako, "H'wag na. May dadaanan pa ako. Papasok si Danica, siya nalang ang ihatid niyo sa school mamaya. Thank you po."

Lumabas na ako ng gate at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Yowan na nagse-sexy dance. What the heck?!

"Yowan?" Nasambit ko na lang.

Napahinto naman siya sa ginagawa niya at nanlaki pa ang mata ng makita niya akong nakatingin sakanya. Ngumiti siya ng malapad tsaka tinaas baba ang magkabilang kamay, "Wooooh. Exercise sa umaga, pampadagdag pogi. Wooooh. Sarap sa feeling."

Napailing ako tsaka napayuko dahil naalala ko ang sinabi niya kagabi. Sinabi niya talaga 'yon. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Ayaw ko naman paasahin ang sarili ko.

"AYOS KA LANG?!"

"Ay adobong kasirola!!"

Waaah! Peste si Yowan! Ginulat ako doon! Ang sakit ng balikat ko. Huhuhu. Umakbay ba naman siya ng pabigla saakin? Ang bigat niya kaya. Waah, yung balikat ko. I-adobo ko kaya 'to?

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon