Chapter 24

459 21 1
                                        

"Aray! Aray ko naman e."


"Ang arte mo naman, ikaw na nga lang tinutulungan umaarte ka pa."


"Ang hapdi kaya! Hindi kasi ikaw ang nakakardam."


"Tss."


Halos umiyak na ako sa pinaggagagawa ni Yowan. Ang hapdi talaga ng paa ko. Ikaw kaya ang makatabak ng basag na bote hindi ka maiinis? Ang lakas kasi ng trip niya na paglakarin ako ng walang suot na sapatos. Ako tuloy ang napapahamak.


"Bakit kasi ang lalim ng bubog na to? Hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo." Sabi ni Yowan habang busy siya na tinatanggal ang bubog sa paa ko.


"E kung hindi ka baliw at hindi mo naisipan na paglakarin ako ng walang suot na sapatos hindi sana ako mabububog." Hindi rin siya nag iisip. Puro kapalpakan naman ang pinapagawa niya saakin.


"Sorry okay? Sorry." Natahimik ako sa sinabi niya, narinig niyo yun? Sorry daw?


"Nagpa-sorry ka?" Mahina kong tanong kaya napatingin siya sa mata ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok.


"Ano?" Mukhang hindi niya naman narinig ang sinabi ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.



"Wala. Ang sabi ko kasalanan mo lahat ng to. Ouch!" Daing ko.


Itinuon niya na ulit ang pansin niya sa paa ko. "Pasalamat ka nga tinutulungan pa kita kahit na labag sa loob ko." Aba! Isinumbat niya pa ha?


Hindi ko na lang siya sinagot at baka kung ano pa ang masabi ko. Mahirap na.


Nakaupo ako ngayon sa upuan namin habang siya nakaupo sa paanan ko habang tinatanggal ang bubog sa paa ko. Buti nga at ginagawa niya to.


Ng nasa kanto na kasi kami malapit sa bahay bigla na lang akong nakatapak ng bubog e. Kaya eto ang bagsak namin. Hindi ba kasalanan niya naman lahat? Sarili niya lang kasi ang iniisip niya.



"Ano nga palang pinag usapan niyo ni mommy kanina?" Tanong niya kaya napairap ako.


"Ang sabi niya tuluyan na daw kita. Gusto mo ngayon na?" Biro ko pero alam ko naman na sesryosohin ng bobo.


"H'wag. Walang manggagamot sa sugat mo kapag pinatay mo ako ngayon. Siguro after na lang kitang gamutin." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pero, kakaibang kaba? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Hindi ko maintindihan.



Abnormal na yata ako? Kainis naman. "Ngayon na. Si Icen na lang ang gagamot ng sugat ko." Sabi ko na lang. Nakaka feel kasi ako ng awkwardness pero parang wala man sakanya. Siya yata ang abnormal.


"Baliw ka ba? Hindi pwede, ako lang. Ako lang ang gagamot ni- ay! Niloloko mo ako!" Sabi niya at napatingin pa saakin. "Hindi yan ang sinabi ni Mom. Mahal ako nun kaya pwede ba? Ano ngang pinag usapan niyo?"


Hay salamat, bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko. Pero bakit parang ang lamig? Hindi naman kami naka aircon dahil wala kami nun. Baka may gumagalang kaluluwa sa bahay? Weh? Wala siguro. Mukhang lalagnatin pa yata ako.


"Sabi lang ng mama mo lumabas daw tayo bukas. Okay na ba?" Halos hindi naman maipinta ang mukha niya sa sobrang tuwa. Nakakainis, akala mo bata na gustong maglibot. "H'wag ka ngang ngumiti ng ganyan, nakakainit ka naman ng ulo e. Matagal pa ba yan? Hindi mo naman yata tinatanggal, lalo mo lang binabaon."



Napalitan naman ang reaksiyon ng mukha niya. Naging mukhang masungit. Lakas niya maka mood swing ngayon. Malapit na akong matakot sakanya. Pero sinabi ko naman na h'wag siyang ngumiti ng ganon, sinunod niya lang naman ang gusto ko.



Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon