Chapter 46

446 19 3
                                    

"Salamat sa oras."

"Salamat din. Mauna na ako Hershey, nag-enjoy ako at na-miss din kita. Sige ha? Kitakits sa school bukas!"

Nagwave saakin si Yowan habang naglalakad siya ng nakatalikod. Kinawayan ko lang din siya habang nakangiti.

"Madapa ka sanang mokong ka." Bulong ko habang kumakaway. Bakit ba kasi patalikod siyang naglalakad? Siraulo talaga.

Tatalikod na sana ako para pumasok ng bahay ng bigla naman siyang matisod at tumalipon sa gitna ng daan. Ayaw ko sanang tumawa pero hindi ko kinaya ang itsura niya.

"HAHAHAHAHA!! SORRY, SORRY, TATAWA MUNA AKO! TUTULUNGAN KITA." Tawa lang ako ng tawa habang papalapit sakanya.

Pucha Yowan, mukha kang gorillang inahitan ng buhok. Hahaha! Halos tumiklop na ang mukha niya sa sobrang lakas ng pagkakatilapon niya. Nag dilang anghel yata ako, sinabi ko lang na sana madapa siya, nadapa nga. May super powers ako.


"Kailangan paba talagang tawanan? Dalian mo, masakit." Mahina niyang sambit.

Lumapit ako sakanya, mukhang masakit nga ang nangyari sakanya pero hindi ko mapigilan ang tawa ko. "HAHAHA!" Tawa lang ako ng tawa habang inaabot ang kamay ko sakanya. "HAHAHAHA!! ANG PANGIT MO! Mukha kang asong ulol!" Dagdag ko pa.

Napakagat siya sa labi niya tsaka inabot ang kamay ko, "Ganon ha? Tatawanan mo talaga ako.. sige.." Natigil ako sa pagtawa ng hilain niya ako papalapit sakanya kaya napahiga ako sa harapan niya.

Shocks. Anong ginagawa niya? B-bakit niya ako hinila papalapit sakanya? Ramdam ko ang hininga niya at nagtatama na rin ang mukha namin, sobrang lapit niya. Feeling ko namumula na talaga ako. Ano ba 'to?!

"Oh? Tawa pa." Mapang inis niyang sabi.

Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sakanya. Sa mata niya, sa ilong at sa.. sa.. sa labi. Isa lang ang masasabi ko. Perpekto siya. Gosh. Anong gagawin ko?!

"Ehem!"

Pareho kaming napatayo ni Yowan ng may marinig kami. Gosh. May nakakita ba sa ganoong posisyon namin? Hala.

Dahan dahan naming binaling ang tingin namin kung saan nanggaling ang ingay at halos mahimatay ako sa nakita ko. Oh my! Nakita niya! Huhuhu. Hindi pwede to!

"M-mama."

"T-tita Dayane."

Pinanliitan kami ng mata ni mama, hindi pwede to! Mukhang nakita niya nga, "Yohan, Hershey." Nilapitan kami ni mama, "Yohan, umuwi ka na, gabi na, isusumbong kita sa mommy mo." Sabi niya kay Yowan.

Yumuko si Yowan. Madilim na ang paligid pero kitang kita ko parin na namumula siya, "O-opo t-tita. Good night, mauna na po ako." Paalam niya at naglakad ng nakayuko.

Hihilingin ko sana na madapa siya ulit pero baka kung ano pa ang susunod na mangyayari kaya pinanood ko na lang siya na maglakad palayo.

Ng makita ko na nakapasok na ng bahay nila si Yowan, hinarap ko si mama at hinawakan ang kamay niya at yumuko na rin, "Mama! Mali po kayo ng nakita! A-aksidente lang po ang nangyari, h'wag po kayong mag-isip ng masa-"

"Akala ko bang si Icen ang kasama mo?" Nakangiti niyang tanong.

Woooh. Buti pinalitan kaagad ni mama ang topic, salamat naman, "S-siya nga po. Pero nagkahiwalay po kami kaagad ng magkita kami nila Irene at Yowan. May pinuntahan po sila ni Irene." Paliwanag ko.

Tumango si mama, "I see. Kumain ka na ba?" Kumapit siya sa braso ko.

"Opo."

Papasok na sana kami ni mama sa bahay pero may narinig kami, "Mom.. Mommy."

Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon