Chapter 20

455 25 12
                                    

"Please, I'm really sorry!"

Natatawa na ako sa pinaggagawa ni Yowan. Kanina pa siya nagmamakaawa kay Danica pero hindi naman siya pinapansin. Take note, sa harap pa ng mga school mates namin. Kilala si Yowan Grey bilang isang rule breaker na ngayon naman nagmamakaawa na patawarin siya.

Yung iba pinipicturan na siya, yung iba naman nag vi-video na pero wala pa ring pakialam si Danica. Ayaw talaga ni Yowan na sinasabihan ng mahina at lampa, kaya pati ayaw niyang gawin, ginawa niya na para lang mapatunayan na matapang siya. Bobo talaga kahit kailan.

"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?!" Tanong niya pa kay Danica.

Sumeryoso ang mukha ni Danica tsaka bumulong kay Yowan at biglang nanlaki ang mata nito. Ano kayang sinabi ni Danica at mukhang shock na shock siya?

Tumingin saakin si Yowan kaya nagkibit balikat ako. Nakaka-curious na ha?

"Just kidding!" Sabi ni Danica sabay palakpak ng malakas at nakita ko ang paghinga ng maluwag ni Yowan na parang nabunutan ng tinik.

Ano kaya ang sinabi ni Danica? Matanong nga mamaya. "So, tinatanggap mo na ang sorry ko?" Tanong niya pa ulit kay Danica.

Pinanliitan siya ng mata ni Danica. "Alam ko may consequences ang ginagawa mong to. Kilala kita Yohan, you don't know the word sorry, nakakapagtaka na marunong kang mag pa sorry ngayon. So, sabihin mo, sinong nag utos sayo para gawin to?" Sana naman h'wag sabihin ni Yowan na ako ang nag utos sakanya.

"Wala. Mabait lang talaga ako." Simpleng sagot ni Yowan kaya halos mabulunan na ako dito. Ang hangin niya!

"Hindi ko tatanggapin ang sorry mo kung hindi mo sasahihin kung sino ang nag utos sayo!" Kilalang kilala na talaga ni Danica si Yowan.

Nakita ko ang pagkainis ni Yowan sa kakulitan ni Danica kaya itinuro na niya ako. "Si Hershey. So, okay na? Okay na tayo?"

Kung pwede lang na mabura ako ngayon sa mundo sana nga lang mawala na ako. Ayaw ko na! Yung tingin ni Danica nakakamatay! Parang sinusumpa niya ako.


Nilapitan ako ni Danica. "Okay na Yohan. I accepting your apologize." Tinignan niya naman ako. "Let's go? Sa gym." Sabi niya saakin tsaka na siya nauna.

Hindi ako kaagad nakagalaw. Nakakahiya kay Danica na kailangan pang utusan ng tao para humingi ng sorry, hindi kasi marunong mag sorry tong si Yowan e.

"Hmm. Sundan mo na si Nica. Kung sakaling magalit siya sayo, hayaan mo na lang." Sabi ni Icen tsaka niya ginulo ang buhok ko.


Tulad ng sinabi niya, sinundan ko si Nica papunta sa gym ng bigla akong harangin ni Irene with her amigas.

"You don't deserve a friend like Icen and Danica! You're an ugly duckling!" Sabi ni Irene na sinang ayunan naman ng mga kasama niya.

"Irene is right. You're too cheap for the people like them!" Sambit nung isa.

"And isa pa! You're so makapal to utos Yohan to say sorry to Danica ha?! You're malandi talaga!" Inis na sabi ni Irene.

Hindi ko lang sila pinapansin at naglalakad pa rin ako but, hinahabol nila ako e. Ang hirap makawala sakanila, ang bibilis nilang kumilos na parang planado na nila ang ginagawa nila.

"There are so many changes in you after you have a kaibigan ha? You're ulo now is lumalaki na! And you're making talikod na when I'm talking to you!" Sigaw niya saakin tsaka niya ako pinatid sa mga paa niya kaya nadapa ako.


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon