Kanina pa kami nanginginig ni Yowan dahil sa sobrang lamig. Hindi pa rin humihinto ang ulan. Malakas pa rin. Epal talaga kahit kailan.
Huminto kami sa paglalakad ng matapat kami sa isang malaking bahay. Sobrang laki na halos malaglag na ang panga ko sa nakikita ko.
"Here we are. I miss this house." Sabi ni Yowan at nag doorbell na.
Habang nag do-doorbell siya, tumingin ako sa paligid. Eto ang bahay nila Yowan! Sobrang laki! Hindi ko akalain na ganito siya kayaman. Sana maging ganito rin ako kayaman.
Tinignan ko rin ang iba pang bahay ng may makita akong babae na sobrang pamilyar ng mukha. Naka kapote siya habang nakapayong pero nakilala ko pa rin siya.
"Danica!" Sigaw ko sakanya.
"Hoy ugly duckling ang ingay mo! Gabi na! Baka labasan tayo ng mga tao dito!" Reklamo ni Yowan. "Bakit ba ayaw nilang buksan ang gate?" Inis niya pang sabi.
Hindi ko siya pinansin dahil papalapit na saakin si Danica. "Hershey. What are you doing here? Gabi na ha?" Nagtataka niyang tanong.
"Nako mahabang kwento Danica. Pero ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti naman siya ng malapad. "Malapit lang dito ang bahay namin." Itinuro niya pa ang isang malaking bahay na mas malaki pa sa bahay nila Yowan na nangingibabaw sa buong subdivision sa dami ng ilaw at sobrang taas na bahay. Woah! Ang laki! Kitang kita mula rito kahit na medyo malayo. "Ayun lang."
"Talaga?! Ang laki naman! At magkalapit lang pala kayo ng bahay ni Yowan?" Amaze kong sabi. Ang galing!
"Oo. Ang kulit ng itsura mo ha." Natutuwa niyang sabi. "Hello Yohan." Bati niya pa kay Yowan.
Tinanguan siya ni Yowan. "Hello din. Ikaw ugly duckling. Halika na. Manhid ka na ba at hindi mo na nararamdaman ang ulan?" Sabi niya pa saakin tsaka ako hinila. "Bye Nica!" Paalam niya pa kay Danica.
"Ano ka ba Yowan?! Kausap ko pa ang tao e. Bye Nica!" Sabi ko na lang din dahil hinila niya na ako ng tuluyan. "Nakakainis ka naman. Wala ka talagang manners." Irita kong sabi pero hindi niya ako pinansin.
"Bakit ang tagal niyo namang buksan ng gate? Papatayin niyo ba kami sa ginaw?!" Inis na tanong ni Yowan sa isang maid.
"Sorry po Sir Yohan pero, tinawagan lang po kasi namin si Ma'am Sasha kung pwede kayong papasukin. Sorry po talaga." Paliwanag ng isa.
"Ano ka ba naman Yowan? Magdahan dahan ka nga. Maawa ka naman sa kanila." Sabi ko sakanya dahil wala siyang galang e. Nakakainis siya.
"Nasaan ba si Mommy?" Mahinahon na ang pagtatanong niya kaya napangiti na ako.
"Nasa Baguio po siya. May inasikaso daw po." Sagot ng isang maid.
"What?! Nasa baguio si mommy? Sino na lang ang nag aasikaso sa babaeng pangit na to?" Sabay turo niya saakin.
"Pwede ba Yowan? Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko habang hawak ang nga braso ko dahil nilalamig na ako.
Binigyan kami ng towel ng isang maid kaya nag pa-thank you ako. Pero si Yowan hindi. "Mag pa thank you ka naman sakanila." Sabi ko.
Tinignan niya ako ng seryoso. "Binabayaran namin sila." Porket ba binabayaran bawal ng magpa-thank you? Ibang klase rin ang mayayaman minsan.
BINABASA MO ANG
Destined to be Different
Teen FictionSi Hershey Casple ay isang matalinong babae kaso hindi biniyayaan ng magandang mukha. Makikilala niya si Icen Aguilar na magsasabi sakanya na kahit na hindi siya kagandahan, may magkakagusto at magmamahal pa rin sakanya. At makikilala niya naman si...