Chapter 27

462 20 11
                                        

Hershey's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Yowan kagabi. Bakit ba ang OA ko? Sinabi niya lang naman na may nag aalala saakin bigla na lang akong natahimik. Nalilito ako.


After niya kasing sabihin 'yon, hindi na siya nagsalita. Tahimik na kami na naglakad. Feeling ko nga kahapon babalik ang sama ng pakiramdam ko. Umuwi kami ng bahay after niya akong kaladkarin kina tita Dayane. Mabuti nga at hindi namin naabutan sila nanay kundi baka magka world war III dahil hindi kami dito natulog ng isang gabi.



Ewan ko pero ang aga kong nagising ngayon, nakaligo na ako at nakapag ayos at handa ng pumasok sa school pero madilim pa rin sa labas, madaling araw pa lang pala. Bakit ang bagal ng oras? Kung anu-ano na kasi ang iniisip ko. Minsan naiinis na ako sa sarili ko.



"Bakit ka naligo?"


"Ay aso!" Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan ng tingin si Yowan na nakasandal sa pintuan ng kwarto. "Bakit ka ba nanggugulat?! Nakakainis na-"



"Hindi kita ginulat, nagulat ka lang." Seryoso ang mukha niya at ibang iba sa normal na Yowan. Ano bang nangyayari sakanya? Pati na rin saakin? Bakit ganito ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang seryoso? Parang nanlalambot ako.



"Oh, e anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong kumalma kahit na alam ko sa sarili ko na hindi maganda ang pakiramdam ko.


"Tinatanong kita, bakit ka naligo? Galing ka sa lagnat, dapat nag hilamos ka lang. Ang lamig pa." Inihagis niya sakin ang jacket na hawak niya. "Isuot mo." After niyang sabihin yan umalis na siya.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa jacket at napalunok. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, hindi ko rin maintindihan si Yowan. Anong drama 'yon? Bakit ganon siya umasta?



Napailing na lang ako at isinuot ang jacket na ibinigay niya. Maglalakad na sana ako palabas ng bigla akong madulas.



"Shocks!!" Sigaw ko habang nakahawak sa balakang ko. Shete, bakit ang dulas ng sahig?!



"Hershey?! Anong--" hindi na natuloy ni Yowan ang sasabihin niya at nilapitan na lang ako. "Mag ingat ka nga sa susunod." Sabi niya at tinulungan akong makatayo.



Napaatras ako ng kaunti sakanya. "T-thank you." Nabubulol kong sabi dahil nalilito ako. "Yowan, okay ka lang ba?" Tanong ko. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya.



"Mukha bang hindi?"


Hindi pa man ako nakakasagot, lumabas na siya ng kwarto. Ang weird talaga. Sobra na siya! Hindi ko siya mainitindihan ha!


Hahabulin ko na sana siya ng biglang sumakit ang braso ko, napatingin naman ako doon at meron akong nakitang pasa. Mukhang napasama yata ang pagkakadulas ko. Nakakainis naman. Ang sakit ha?



Kinuha ko na lang ang gamit ko tsaka umalis ng bahay. Papasok na lang ako. Nawi-weirdohan na ako kay Yowan. Baka hindi ko kayanin.



Pagdating ko ng school, wala pang masyadong tao at nag uumpisa pa lang magsidatingan. Dumeretso ako sa classroom ng may bigla akong narinig na iyak. Ano ba to? Nararamdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko at parang anytime mapapatakbo na lang ako ng mabilis.



Nilakasan ko ang loob ko at sinundan ang iyak na naririnig ko, at nagmumula 'yon sa classroom namin. Gosh, may multo ba dito?



Dahan dahan kong pinihit ang door knob at sumilip sa loob. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Danica na nakasubsob ang mukha sa desk habang umiiyak. Umiiyak siya, bakit?



Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon