Chapter 29

400 17 9
                                    

Ang bilis ng araw. Bukas makalawa music show na. Sayang nga lang at hindi kami nakapag practice kahapon ni Yowan dahil sa nakita ko. Ugh.


Naalala ko na naman. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag naiisip ko ang nakita ko kahapon? Hindi ko maintindihan. Nalilito na ako.


"Hershey.."


Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. Ang boses ni Yowan. Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti ng pilit kasabay ng pagharap ko sakanya.


"Anong kailangan mo doraemon? May pag uutos po ba kayo?" Umacting ako na normal dahil wala namang dahilan para maging hindi normal ang asta ko. Medyo nagulat lang siguro ako sa nakita ko kahapon kaya ganon.


"Oo meron." Seryoso niyang sabi.

Tumaas ang kilay ko. Ano na naman kayang i-uutos niya. "Ano 'yon?"


Nakita ko ang paglunok niya, "K-kalimutan mo yung nakita mo kahapon. H'wag mo na-"


"Nakita? Wala naman akong nakita na kakaiba kahapon, anong ibig mong sabihin?" Kunyari hindi ko alam ang tinutukoy niya dahil ayaw kong pag usapan. Nawe-weirdohan na ako sa sarili ko.


"W-wala kang nakita sa music room kahapon? W-wala?" Gulat niyang tanong.


Kumunot ang noo ko. "Alam mo doraemon, masyadong madilim kahapon sa music room para may makita pa ako. Siya nga pala, pasensya na at hindi ako naka-attend ng practice kahapon, sumakit lang kasi ang ulo ko kaya nauna na ako." Paliwanag ko. Mas okay na kalimutan ko na nga ang nakita ko dahil kapag na-iisip ko, parang magkakasakit pa ako.



Ngumiti siya. "Okay lang. Ikaw naman ang nawalan hindi ako. Hindi ko kailangan ang music show kaya kahit hindi na tayo mag practice, okay lang." After niyang sahihin yan, umupo na siya sa desk niya kaya umupo na rin ako.



"Hersh. Kinabukasan music show na. Okay na ba ang ipe-perform niyo ni Yohan?" Tanong ni Danica na naka focus sa libro.


Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam. Hindi nakapag practice kahapon e."

Nabitawan niya ang librong hawak niya tsaka ako pinanliitan ng mata, pati si Icen tumingin na rin saakin. "Hindi ba hinatid ka pa namin sa music room kahapon? Paano mangyayari ang sinasabi mo?" Sabay nilang tanong.


Naramdaman ko rin ang pagtingin saakin ni Yowan kay tinignan ko siya tsaka nginitian ng malapad.

Naglandi kasi si Yowan kaya hindi kami nakapag practice. Sige lang i-torture niyo siya.

"Oh. Sinabi ko ba talaga na hindi kami nakapag practice?" Natatawa kong sabi.


Tumango sila ng sabay kaya napahinga ako ng malalim. "Kasi.. kasi sumakit ang ulo ko, pinili ko na lang na umuwi kaysa pasakitin pa lalo ni Yowan." Palusot ko.

Tumango naman sila. "Kumusta ka na? Baka nabinat ka lang? Galing ka pa naman sa sakit." Nag aalalang tanong ni Icen.


Tumango ako at nag okay sign. "Okay na ako." Kinatok ko pa ang ulo ko tsaka tumawa ng mahina.


Magsasalita na sana si Danica ng may biglang tumawag ng malakas kay Yowan.


"Yohan!"


Napalingon kaming lahat doon sa babaeng sumigaw. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan ng makita ko siya. Siya yung babaeng nakita kong kasama kahapon ni Yowan sa music room. Anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya kay Yowan?


Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon