Chapter 12

551 21 0
                                    

"Shut up or.." lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "I will kiss you?"


Kyaaaah!! Anong gagawin ko?! Ang lapit ng mukha ni Yowan sa mukha ko! Isang maling galaw na lang mag gu-good bye virgin lips na ako. At ano?! Siya ang first kiss ko? SI YOWAN?!! Hindi ako papayag!



Iginilid ko ang mukha ko at itinikom ang bibig ko tsaka pumikit ng mariin. Nararamdaman ko na ang mga hininga niya na nagpapatayo sa mga balahibo ko. Waaahh!! Pinagpapawisan ako!



"Ha-ha-ha! Ano ka ngayon? Akala ko ba matapang ka? Ano? Sa sala ka o sa kwarto?" Shet! Yung hininga niya ang bango! Ano ba to?! Dapat beast mode ako sa ginagawa niya. Manyak siya. Manyak.



Sasagot na sana ako ng bigla akong makarinig ng malakas na kalabog mula sa labas kaya napaharap ako kay Yowan at..


One..



Two..



Three..


"Kyaaaaahhh!!! Huhuhuhu!!"


Itinulak ko si Yowan palayo saakin kaya nadapa siya sa sahig. Gosh?! Anong nagyari?! Shit shit shit!


"Damn! Bakit ka gumalaw?!" Sigaw niya.



"Paanong.. waaaahh!! Waaahh! Manyak ka! Manyak!"



"Shit. H'wag kang sumigaw! Baka akala pa nila inaano kita!"



Gosh. Paanong hindi ako sisigaw?! Wala na yung.. yung first kiss ko! At kay Yowan pa napunta?! Kill me now! Kill me! Isusumpa ko ang labi niya na sana magka galis at kulugo. E kasi! Hindi ko naman alam na sobrang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko kaya pagharap ko sakanya sumakto sa lips! Grabe! Huhuhu.



"Huhuhu. Isusumbong kita kay Tita Sasha." Pinunasan ko ang luha ko na tumutulo. Hindi ko tanggap! Hindiiii!!



"Hoy! Ang arte mo! Sumbong ka diyan! Kasalanan mo naman. Kung hindi ka gumalaw edi sana hindi kita na-na.. nahalikan! Babae! Ako ang nawalan, hindi ikaw!" Sigaw niya at lumabas ng kwarto. Ng sinasabi niya yan, hindi siya nakatingin saakin. Nahihiya siguro. Aba dapat lang!



Naiwan naman akong tulala pero agad naman akong nakabawi tsaka ko siya binato ng tsinelas ko. "Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi mo ako nilapitan hindi mangyayari lahat ng 'yon! Bwisit! H'wag na h'wag kang magpapakita sakin! Pipigain ko yang bibig mo!" Banta ko tsaka nagmukmok.



Huhuhu. Ipapalahiya ko talaga ang lalaking yan sa monday sa school! Akala niya ba?! Isa siyang walking sumpa na hindi na malulutasan! Malas siya!


***


Inagahan kong maligo at magbihis, ang bilis lang ng araw. Parang kanina lang week end pa, ngayon week days na naman. May school na naman. Parang kailan lang ng wala pa si Yowan dito sa bahay, at parang kailan lang ng wala pa akong.. first kiss. Ngayon, ewan!



Pasalamat siyang lalaki siya at hindi ko siya isinumbong kay tita Sasha kahapon ng nagkita kami. Tsaka magsimula ng mangyari yon hindi ko na siya nakita ulit. Hindi ko alam kung nanjan ba siya o wala dahil maghapon lang akong nasa kwarto at hindi lumalabas ng bahay. Minsan naririnig ko siya na nagwawala pero hindi ko siya nakikita. Mabuti na rin yon, baka pumasok siya na walang mukha.



Sana naman hindi pa siya gising. Inagahan ko na talagang gumising at maligo para hindi ko siya makasabay, bumabaliktad na naman ang sikmura ko kapag iniisip ko na napunta lang sakanya ang first kiss ko.



Destined to be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon